19 - The DIY Weapon

1K 100 19
                                    

19 - The DIY Weapon



"The main fuse connecting the electrical meters to the line from the street is located on the supply pole outside the campus," ani Felicity matapos ipaliwanag ng mga kabataan ang kanilang gagawin. Mahina lamang ang kanilang mga boses, umaasang walang ibang makakarinig sa kanilang usapan. "Kakailanganing lumabas. Isa pa, hindi basta-basta ang pagpuputol ng kuryente. Kailangan ng authorized person na gagawa."



Pabirong tinignan ni Arkin ang lahat ng kasama niya habang nakataas pa ang isang hintuturo. "Aww, sayang. Wala akong nakikitang authorized person dito."



Inis na bumuntong hininga ang babaeng pulis. "Arkin—"



"If you want, officer, you may try to go out and ask for help," sabi naman ni Kingsley. "Call any authorized person or your friends from the police, while we search for Noah and Allysa."



"I agree," pagsang-ayon ni Paul. "With the twisted mind of whoever's behind this, your life might be spared."



"Sinabi ko ng hindi ko kayo iiwan dito," kunot ang noo at madiin na sabi ni Felicity.



"Aww, walang lalabas," bulong ni Arkin sa parehong pabirong malungkot na tono. Ngumisi siya. "There's an electrical meter for every college. We can only cut one so we could have time to plan and gear up."



"I say we cut the meter at the College of Agriculture," suhestiyon ni Lia na naging dahilan ng paglingon ng lahat sa kanya. "May mga itak sila doon. Where else can we find weapons?"



"I say you all go out and I'll find the other two," pagpilit muli ng babaeng pulis.



"The College of Physical Education has Arnis sticks," kibit balikat na sabi ni Hailey, hindi pinapansin ang sinabi ni Felicity.



"College of Agriculture it is," ani Paul.



"No." Umiling si Kingsley. "We'll go for CEIT."



"Why? Because it's our college and we have memories there?" natatawang tanong ni Arkin.



Bumubuntong hininga na sinamaan na lamang ni Kingsley ng tingin ang binatang inaalalayan nina Hailey at Paul. "Trust me."



Sandaling binalot ng katahimikan ang anim, nagkakatinginan at nagpapakiramdaman.



"I trust you." Si Hailey ang naunang sumagot, ipinaparating ang kanyang pagsang-ayon.



Wala ng ibang nagsalita kaya bumuntong hininga si Arkin. "Okay. CEIT it is."



"I still vote for exiting the campus while I search for your friends," pagdidiin ni Felicity noong nagsimula ng maglakad ang mga kabataang kasama niya.



"May naririnig ba kayo?" pang-aasar pa ni Arkin. Siya lamang ang natawa. "Officer, it's not that we don't respect you. We just don't want anyone to die anymore. Not today."



Naging tahimik ang paglalakad ng grupo. Nakataas ang baril na hawak ni Felicity, handang lumaban kung sakaling may sumugod sa kanila.



"I don't feel good," kinakabahang bulong ni Hailey. Inayos niya ang pagkakahawak sa kanang braso ng inaalalayang si Arkin. "If they are watching us, bakit hinahayaan lang nila tayong maglakad-lakad dito sa campus."



"Maybe, they're thinking of more creative ways to kill us," kaswal na sabi ni Arkin.



Agad na inirapan ni Hailey ang binata. "That didn't help, jerk."



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon