Special Chapter: Queen Part 2

15.7K 772 525
                                    


Zoe's POV

Nakasuot na ako ng jersey nung pumasok kaming magpamilya sa gym kung saan kami maglalaro ni Ate Avey. Sa gym ng Miracle. Kitang kita ang artificial arm ko kaya naman nung makita ako ng mga kaibigan ko ay nagulat sila. Nakangiti akong kumaway sa kanila gamit ang artificial arm. Magsisilapitan na dapat sila pero tinulungan ako nila Japan, Astra at Steph na harangan ang mga kaibigan namin.

"Bodyguard na kayo ni Zoe nyan?" nang-aasar na sabi ni Ate Anya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin 'to, Zoe?" nahimigan ko ang pagtatampo ni Louise. Napakamot naman ako ng ulo.

Marami pa akong narinig na tanong pero hindi ko sila masagot ng sabay-sabay. Panay na rin ang awat nila Alexa. Feeling famous tuloy ako sa lagay na 'to.

"Awat na." napatingin kaming lahat kay Ate Avey dahil gumamit pa ito ng mic para tumigil sila. "Mamaya na ninyo guluhin si Zoe dahil maglalaro pa kami." nakangising sabi ni Ate Avey habang nakatingin sakin. Napangisi na rin ako at lumapit sa kanya. Tumigil ako sa harapan nya. Mas matangkad sakin si Ate Avey kaya bahagya akong nakatingala sa kanya.

"Handa ka na bang matalo?" paghahamon ko.

"Tignan kung sino ba talaga. Inaasahan ko na magandang laban 'to, Zoe." tumango naman ako.

"Wooh! Go Zoe!" rinig kong pagche-cheer sakin ng mga kaibigan namin.

Lumapit na ako kay Alexa na nasa gilid. Kinuha ko sa kanya ang ponytail at inipit ang buhok ko. Tinali ko ng maayos ang sintas. Nung ready na ako ay lumapit ako kay Ate Avey na nakahanda na sa court.

"Nice robotic arm, by the way." tumingin naman ako sa artificial arm ko. Inilahad ko ito sa harapan nya para makipag-kamay. Nakipagkamay naman sya. "Lamig ah. Nervous?" napangiti na lang ako sa biro nya.

"Sayo na ang bola." sabi ko. Hawak na nya ang bola at nakaharap sya sa ring.

"You sure?" ngising sabi nya at drinibble ang bola.

"Don't worry, hindi ka naman makaka-score eh." ngising sabi ko rin.

"I like that."

Drinibble nya ang bola ng mabilis at umastang dadaan sa kanan ko pero mabilis syang nag-switch pakaliwa. Mabilis akong sumunod sa kanya. Nag-lay up sya at hinarangan ko sya ng kanang kamay. Nahampas ko pa ang bola. Gusto ko pa sanang magdiwang dahil ang sarap sa pakiramdam na buo na ulit ang katawan ko pero hinabol ko ang bola kasabay ni Ate Avey. Nag-dive ako at hinawakan ang bola. Ini-switch ko ang katawan ko paharap at inihagis ang bola sa ring. Mabilis akong tumayo at sumunod kay Ate Avey na tumakbo pabalik sa ring pero napatigil rin kami nung pumasok ang bola.

Nakarinig kami ng hiyawan dahil don. Ngising tinignan ko si Ate Avey at hindi naman sya nagpatalo.

"I think, I finally met my match." hindi ko naman naintindihan yung tinutukoy nya. Lumingon sya sa mga kaibigan namin. "Ate Kiwi! She's the one!"

"Huh?"

Lumingon sakin si Ate Avey na may ngiti. Tumalikod sya at lumabas ng three point line. Ibinigay ko sa kanya ang bola.

"Alam mo, kay Ate Kiwi lang ako nagseseryoso sa umpisa pa lang ng laro." drinidribble nya ang bola. Mukhang wala pa naman syang balak sumugod dahil nakatayo sya ng diretso. "Yung mga bata at si Kill, nagseseryoso lang ako kapag gusto nila magseryoso ako." sa sinabi nyang 'yon ay nilingon ko sila Ate Kill. "Ilan tao lang nakakatalo sakin ng paulit ulit. Si Ate Kiwi, isang player sa ibang bansa at si─"

"Yzak." pagpapatuloy ko.

Gulat na tumingin ito sakin. "No doubt na kilala mo talaga sya bukod sa sya ang dating ace ng Meteor."

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now