Chapter 5 -- Punishment

313 6 0
                                    

CHAPTER 5 -- PUNISHMENT





HELAENA'S POV


Hindi tuloy ako makapag focus sa klase namin magmula ng makita ko ang malditang girlfriend ni Pretty boy Bryant. Hindi ko pa rin matanggap. Waaahhh.. Ano ba yan? Kaka sibol pa nga lang ng feelings ko sa kanya, broken hearted na kaagad ako. Poor me.



Kokomprontahin ko nga dapat si devil Brylle tungkol sa pagsugod sakin ng mga bopbop babies niya, kaso wala ako sa mood makipag away ngayon dahil sa nangyari kanina sa cafetiria. Sa ibang araw ko na lang siya kakausapin.



Patuloy ko lang nilalaro ang ballpen sa desk ko habang nagtuturo ang terror na prof namin na si Miss Silva. Kunwari nakatingin ako sa projector pero ang totoo lumilipad ang utak ko.



Bigla na lang may nambato ng papel kay Miss Silva habang nakatalikod ito samin. Papel na korteng bilog.



Galit na humarap samin si Miss Silva at kinuha yung bilog na papel. "Who's responsible for this?" Tinignan niya kami isa-isa. Seriously, nakakatakot ang tingin niyang 'yon. Walang nagsasalita sa'min.



"Once I caught you,  who ever you are, you will fail my subject and worst I will bring you to detention plus punishment." Galit na litanya nito.



Mga bastos at walang modo talaga ang mga kaklase kong 'to. Pinag ti-tripan pa si Miss Silva, ang tanda na nga. Hayyyy naku! Mga adik talaga. Nagpatuloy na sa pagtuturo si Miss Silva, at naulit na naman ang nangyari kanina. Binato na naman siya ng mga classmates kong lalake at nagtawanan pa ang iba.



"Ginagalit niyo ba ako? Sino ang gumawa no'n?" Sabay bagsak ng kamay niya sa teacher's table. "Sino?" Sigaw na sabi niya.



"Si HELAENA po." Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase kong lalake at sabay din na turo sa'kin.



Ano? Ako daw? 0___________0 LEche naman 'ni hindi nga ako makapag focus sa discussion tas ako pa ang pagbibintangan. Wow, labo niyo chong! Tss!



"Te-teka, a-anong ako?" Takang tanong ko sa mga nambintang sa'kin.



Galit na tinignan ako ni Miss Silva na nanlilisik ang mga mata. "Miss Madriaga."



"Miss Silva." Tumayo ako. "Wala po akong--"



"As a punishment, I want you to stand in the front door with books on your hands, arms sideward. Tatayo ka do'n hanggang matapos ang klase ko. Do you understand?"



"Teka lang Miss Silva---"



"I'll see you next sem then. Reason for failing? Disrespecting the professor, uncooperation on the subject."




"Miss Silva, hindi naman po yata tama yun. Wala akong alam sa mga binibintang nila." Hinarap ko yung mga kaklase ko na tunay na may kasalanan. "Hoy, mga duwag, bakit hindi niyo sabihin kay Miss Silva na kayo ang may kasalanan at hindi ako." Inis na sabi ko at nakapameywang pa. Ang mga loko hindi man lang sumasagot at nag tatawanan pa na para bang nang iinsulto talaga.



"Parusahan na ang dapat parusahan. Nakaka istorbo na siya sa klase. Tumatakbo ang oras Miss Silva, sayang ang tuition namin kung puro ganito ang gagawin natin." Biglang sabat ng mayabang na si Brylle.




"Miss Madriaga, you can stand in the front door NOW and before I forget, later after class I want to see you in DETENTION!" Sigaw ni Miss Silva.



Detention? Bwisit talaga. Anak ng leche flan naman. Ako pa ang mapaparusahan sa kasalanang hindi ko ginawa. Hindi ko na maipag tanggol ang sarili ko dahil halos lahat sila ako ang tinuturo. Tengene, ano bang kasalanan ko sa kanila? Tas bigla akong napatingin kay Brylle. Nakangisi ito sakin.



My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon