Chapter 97: A day before War

36.1K 2.7K 1.1K
                                    

THANK YOU CLASS ZERO
Twitter Party: November 07 (Saturday 1PM onwards)

PAGKABALIK na pagkabalik namin sa Merton Academy ay wala kaming sinayang na oras at nagkaroon kaagad kami ng meeting nila Sir Joseph

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGKABALIK na pagkabalik namin sa Merton Academy ay wala kaming sinayang na oras at nagkaroon kaagad kami ng meeting nila Sir Joseph. We are all serious about this situation since this will be our concluding battle against Black Organization.

"Siguro naman ay aware kayo sa kung gaano kalaking gulo ang maaaring mangyari laban sa Black Organization sa pagkakataong ito, hindi ba?" Tumango kaming lahat bilang sagot kay Sir.

Ngayong alam na ng Black Organization na si Mild ang taong may Royal Blood ay paniguradong Nakagagawin nila ang lahat para makuha ang aming kaibigan. We must protect Mild at all cost. Buhay ng buong Pilipinas ang nakataya sa labang ito. Kung magawa ng Black Organization na mabuhay si Deathevn ay maraming tao sa Pilipinas ang maaaring maglaho.

"Plano kong kausapin ang buong Asosasyon upang magkaroon ng karagdagang depensa rito sa Merton Academy." That's really a good idea dahil kahit sabihin na nandito kaming siyam na  Class Zero ay alam naming kukulangin kami sa lakas dahil sa daming Lawbreakers na maaaring sumugod dito.

Tandang-tanda ko pa ang dami ng mga lawbreakers na sumugod sa Arena at sa Fladus Academy para lamang makuha ng Black Organization ang mga batang glitches... I know they will do more than that this time.

"Nalaman man nila na si Mild ang taong may Royal Blood ay nalaman din naman natin kung saan nila itinatago si Deathevn. Spill the tea naman diyan, Sir, ikaw pa lang sa atin ang nakababasa sa mga papel na naiuwi ni Jason, eh," sabi ni Ace sa kanya.

Kinuha ni Sir Joseph ang papel sa kanyang bulsa. "Nakalagay dito na sa Arroceros Forest Park nila itinago si Deathevn."

"D-Dito lang 'yon sa Manila, ah," I said at napatango si Sir Joseph. "Imposible 'yan, sir, crowded na lugar ang Manila... they can't hide Deathevn here."

"Nakatago si Deathevn sa ilalim ng lupa..." patuloy ni Sir. "Tanging ang mga glitches lamang ng society ang makakapagbukas ng lagusan papunta sa lugar na ito. The door is sealed with a strong dark magic."

"If it's Dark Magic, kailangan natin ng taong makakapag-purify ng lagusang ito upang ligtas nating mapasok ang lugar na ito." Sabi naman ni Seven. "Kung nandoon si Deathevn ay paniguradong doon din nila itinatago ang Phoenix Necklace.

"If white magic ang labanan..."  nagsalita si Mild at napatingin kami sa iisang tao lahat. "May St. Claire tayo! Amen naman talaga!"

"A-Aralin ko kung paano mag-purify ng dark magic..." sabi ni Claire at napayuko.

"In just a short period of time?" tanong ni Seven.

Umangat ang tingin ni Claire. "K-Kakayanin ko. Nakikita ko kung paano kayo nagsasanay para mapalakas ang mga abilities ninyo, hindi ako puwedeng maiwan. Kung makatutulong ako para mabuksan natin ang lagusan papasok dito... gagawin ko rin ang lahat. I want to be useful in this battle."

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon