Chapter 4

13.4K 758 191
                                    

Malakas ang kalabog ng dibdib ko nang nakarating ng bahay. Hindi ko maalis ang tingin ko sa cellphone ko habang nasa parehong screen pa rin iyon. He really liked me! Like he swiped right for me! I felt my cheeks heated as I think of my photos in the app.

Nako-conscious na agad ako kaya habang paakyat sa kwarto ko ay tiningnan ko ulit ang profile ko. And I stared at my three best photos. Parang biglang ang pangit pangit ko sa mga iyon ngayon. Like, nakakahiya! Talagang ni like niya ako! That drop dead gorgeous guy! Is he a poser? No! Please... No!

After I stared at my photos like a weird psychopath bitch, my eyes went down to my bio. It says:

Apple is my fruit and Neone is my name. Pre-op trans. 18❤️

He saw it right? He probably read it! Oh my... Bigla akong naawa sa sarili ko. Na para bang hindi talaga kapani-paniwala na may ganitong ka gwapo na nag like sa akin. For months of being in this app, I have encountered guys who liked me here but ended up unmatching me after they have discovered that I am trans. Like, everything sums up in my bio. Why can't they see it at talagang kailangan pang dumisturbo ng tao?

But this man...

Ganito rin kaya sa lalaking ito? Sana naman hindi. At kung ganoon naman, well...

Hindi ko maintindihan ang sarili ko habang nakahiga na sa kama. Naninikip ang dibdib ko sa magkahalong kaba at saya. I'm anxious about it yet happy at the same time. I was consistently checking my phone to see any messages from him but none.

Mabilis lumipas ang mga araw at huling buwan na namin sa senior high. Pansamantala kong nakalimutan ang ang lalaking iyon at napunta ang atensyon ko sa pressure na ibinibigay sa akin ni Daddy. Next school year I'll be in the same school, taking the program I really don't like and am not passionate about.

"I'll gave you two options, whether you'll stay in the same school for college or move to my alma mater." Sabi ni Daddy habang nasa study niya ako sa bahay. His alma mater is a famous top university here in the capital. It's not that bad but I won't gave in to all of his requests.

"Atleast give me the time and privilege to choose where I wanna study, Dad." Malamig kong sabi. He nodded and gave me a dismissive look.

"Alright."

As usual, hindi ko dinadala ang kahit anuman galing sa bahay patungo sa school o kahit saan na kaharap ko ang ibang tao. Ngumiti ako ng nang-aasar kay Dwayne habang kumakain kami sa cafeteria. Nilibre ko siya ng snacks dahil gusto ko lang. Namumula siya habang kinikwento sa akin ang nangyari noong isang araw.

"Taray... Ikaw na ang may magandang lovelife!" Tukso ko sakaniya at nariyan na naman ang mahinhin niyang ekspresyon na parang ewan lang. Parang kulang sa vitamins itong si Dwayne. Parang hindi nasisinagan ng araw. Ang lamya eh.

"Ano ka ba. Ikaw din, balang araw, magkakaroon ng lalaking magmamahal sa'yo." Aniya. Unti-unting napawi ang ngisi ko at tipid na lamang na ngumiti. Naalala ko bigla iyong lalaking naka match ko sa app. Luh? Ba't siya agad naisip ko. Assuming ka, Apple!

Tumingin ako kay Dwayne at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba. At napagtanto kong huwag muna dahil hindi pa naman iyon nagme-message sa akin at halos mag-iisang buwan na. Wala pa namang kung anong nagaganap. It's too early to tell people things. Pabiro na lamang akong tumawa.

"Gusto ko iyong kagaya sa lovelife mo! Na medyo marahas ng konti at may anghang." Sabi ko. Tumawa si Dwayne at tila nawerduhan.

"Anong ibig sabihin mo?" Napa-irap ako. Itong baklang ito talaga.

"Medyo bastos at rated spg kumbaga!" Sabi ko. Umawang ang labi niya at tila siya pa iyong nahiya sa sinabi ko. Humagikhik ako. Ang cute nito.

"By the way, saan ka mag-aaral ngayong college?" Pag-iiba ko ng usapan. Maarte kong kinakain ang pasta ko habang kumakaway paminsan-minsan sa mga kakilalang dumaraan.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon