Chapter 35: My boo

1.5M 39.4K 19.2K
                                    

Troy's Point of View


BINUKSAN KO ANG laptop ko. Nag-online ako agad sa Skype para maka-video chat si Jaycee. Nasa US siya ngayon kasama si Mommy Janice para dalawin si Jeydon. Naiwan kami ni Marion dito sa Pinas dahil mahirap pang ibyahe si Marion dahil masyado pa siyang bata.

"Kumusta ang baby natin?" bungad agad ni Jaycee. "Tulog pa rin ba siya?"

"Gising na siya at binibihisan na siya ni Sunny. Kamusta kayo ni Mom diyan?" tanong ko.

"Okay naman, pero isang araw pa lang akong nandito, miss na-miss ko na kayong dalawa ng anak natin. I wish I could be there."

"We miss you too. Ilang araw na lang naman uuwi na rin kayo. Sana nga kasama n'yo na si Jeydon. Kamusta pala siya?"

"Actually, nauna na sila sa hospital. I think I should go, kailangan ako do'n. I-kiss mo na lang ako kay Marion. Pakisabi kay Tiffany gandahan niya 'yong isusuot ni Marion. I love you, take care." Ngumiti siya at saka niya nag-offline. Mukhang nagmamadali siya.

Sa lahat ng asawa siya 'yong hindi selosa. Naisip ko kung ibang babae lang si Jaycee, sigurado akong magagalit siya sa tuwing makikipagkita ako kay Tiffany. Ang swerte ko lang siguro talaga kay Jaycee dahil bukod sa ubod ng bait napakaunderstanding pa niya.

Bigla na lang akong nainis sa sarili ko. Ang swerte ko na nga kay Jaycee pero minsan hindi ko pa rin maiwasang maisip si Tiffany. I feel like I'm cheating on my wife and it's really killing me.

Biglang may kumatok sa kwarto ko. "Come in."

"Sir, okay na po si Baby Marion. Alis na po ba tayo?" tanong ni Sunny at tumango lang ako.

Gising na si Marion no'ng nasa kotse kami papunta sa mall malapit sa 'min. Magkikita kami ni Tiffany para pag usapan 'yong costume na isusuot ni Marion sa first birthday niya. Kasama namin si Sunny at Baron dahil gusto ko din maipasyal si Marion.

Biglang itinabi ni Baron 'yong kotse. "Sir, flat po 'yong isang gulong. May nadaanan ata tayong matulis na bagay."

"Gano'n ba?" Tinanaw ko 'yong mall at ilang lakad na lang naman 'yon. "Mauna na kami ni Marion dahil baka naghihintay na do'n si Tiffany. Sumunod na lang kayo si Sunny kapag okay na 'yong kotse," sambit ko.

"Sure kayo, Sir Troy? Sasamahan ko na kayo baka mabigatan kayo kay Baby Marion," sambit ni Sunny.

"Hindi na, samahan mo na 'yong asawa mo dito. Kaya ko na si Marion. Sumunod na lang kayo."

Bumaba kaming ni Marion ng kotse at inilagay ko siya sa stroller niya. Naglakad ako papunta sa mall at dumiretso agad ako sa coffee shop na pagkikitaan namin ni Tiffany. Nakita ko naman agad siya do'n. Kahit kailan talaga palagi siyang maaga.

"Tiffany!" sigaw ko kaya agad siyang napalingon sa amin.

"Troy?" tanong niya no'ng makalapit ako sa kaniya. "Hi, baby Marion," bati niya. Nagulat kami pareho kasi tuwang tuwa si Marion. "Mukhang gusto ata ako ni Marion."

"Oo nga eh. Masungit pa naman siya kapag hindi kami nina Jaycee ang nakikita niya."

"Upo ka." Inayos niya ang mga gamit sa mesa niya. "Asan ang newlyweds? Hindi ba sila kasama?"

"Flat 'yong gulong ng kotse namin kaya ipapaayos pa nila. Susunod na lang sila sa atin. Kumain ka na ba?" tanong ko at umupo na ako. Medyo malayo din pala 'yong nalakad ko. Tingin ko pawis na pawis na ako.

"Here." Inabot ni Tiffany 'yong towel niya. "Ipunas mo na sa 'yo, pawis na pawis ka na." Kahit nakakahiya, kinuha ko siya at pinunas ko siya sa mukha at leeg ko.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon