Chapter 30

1.1K 22 5
                                    

Caleb's POV.

Isang araw din ang lumipas bago magising ang kapatid ko. Pero kahit ganon ay masaya parin ako kasi nasilayan ko ang mga pamangkin ko at alam kong ok si Happy kahit pansamantala lang.

"Caleb, I need to talk to you."Sabi ni Sheila pagkalabas ko sa kwarto ni Happy.

"Tungkol saan?"

"May heart donor na si Happy."Sagot niya na kinatuwa ko.

"Talaga? Pwede ko bang malaman kong sino siya?"

"Sorry,Cal but it's anonymous."

"Matutuloy na ba next month ang heart transplant ng kapatid ko?"

"Yes, kaya kilangan talagang maging healthy si Happy bago ang operation."

"Thank you talaga, Sheila."

"You don't need to say thank you. By the way I have to go."Sabi niya bago umalis.

Sa wakas magiging ok na din ang kapatid ko at sana naman makilala ko kahit ang pamilya lang ng mag do donate ng puso sa kapatid ko para mapasalamatan ko sila.

1 month later

Ngayon ang operation ni Happy kaya naman nandito kaming dalawa ni Isaiah sa hospital. Kanina ko pa nga tinatawagan si Mathew pero hindi niya sinasagot ang tawag ko pati si Happy bago siya makatulog para simulan ang operation ay hinahanap din niya si Mathew.

"Asan ka na ba, Mathew?"Mahinang tanong ko.

"Baka may nangyari ng masama sa kakambal ko."Paiyak na sabi ni Isaiah kaya inakbayan ko ito.

"Wag kang mag isip ng ganyan, Isaiah. Maayos lang si Mathew."

"Pero asan siya?"

"Baka nagdadasal lang yun para maging successful ang operation na Happy."

"Hindi ko kayang mawala ang kakambal ko sa tabi ko."

Sa totoo lang si Isaiah talaga ang pinaka soft hearted sa aming tatlo takot din siya pag may nawalang special na tao sa buhay niya. Siguro dahil sa mga pinagdaan niya, kung ikokompara silang dalawa ni Mathew ay mas malakas si Mathew kaysa kay Isaiah, kaya takot siyang mawala si Mathew sakanya dahil si Mathew ang nagbigay pag asa sakanya para mabuhay.

"Sana pagkatapos ng operation ni Happy nakabalik na din ang kakambal ko."Saad ni Isaiah kaya nginitian ko siya para gumaan ang loob niya.

"Magiging maayos din ang lahat, Isaiah magtiwala ka sakin."

Pagkalipas ng ilang oras ay lumabas na din si Doc. Sheila kasama ang ibang doctor na nag opera kay Happy.

"The operation went well. Sa ngayon hihintayin nalang nating magising siya."Nakangiting saad ni Doc. Sheila.

"Kailan kaya magigising  ang kapatid ko?" I asked her.

"We don't know. May iba nagigising sila pagkalipas ng ilang araw,buwan at pwede ring taon."

"Pero hindi naman siguro aabotin ng taon bago gumising ang kapatid ko right?"

"Malalaman natin yan. Sana maging compatible ang pusong pinalit sakanya."

"Nga pala pinabibigay ni Mathew. Para kay  Isaiah."Sabay abot sakin ni Sheila ng nakatuping papel.

Pagkatapos sabihin ni Doc. Sheila yun ang umalis na siya kasama ang ibang doctor.

"Nasaan na ba si Mathew ilang oras na ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik."Malungkot na sabi ni Isaiah.

"Pinabibigay daw sayo yan ni Mathew. Sabi ni Sheila."Sabay abot ko sakanya ng papel at binasa niya ito.

"Iniwan na ako ni Mathew."Sabi ni Isaiah at nagsisimula ng umiyak.

"Anong nakalagay?"

Dear, Isaiah

Aalis muna ako. Kaya alagaan mo yang sarili mo, dahil wala ako dyan sa tabi mo para alagaan ka at alam ko din namang babantayan ka ni Caleb kaya kampanti akong iwan ka sakanya. Hindi ko alam kong kailan ako makakabalik kambal pero kahit ganon babantayan kita mula sa malayo. Pakisabi na din kina Caleb at Sweet na mami miss ko sila at parati silang mag ingat. Mahal ko kayong lahat.
                                                       
                                                              -Mathew

"Saan siya pupunta,Caleb?"Umiiyak na tanong ni Isaiah.

"Hindi ko din alam, Isaiah pero sa ngayon na wala si Mathew nandito lang ako."Sabi ko sakanya habang patuloy parin siya sa pag iyak.

"B~Bakit n-niya a-ako i-iniwan!!!"Umiiyak na atungal ni Isaiah.

Pagkatapos umiyak ni Isaiah ay nakatulog ito sa balikat ko kaya naman nagpatulong ako sa isang nurse kong pwede kaming manghiram ng kwartong pweding tulogan ni Isaiah ng makarating na kami sa kwarto ay tinawagan ko naman sina Tita Eunice at Tito Anthony ang mga magulang ni Damian dahil gusto kong malaman nila ang tungkol sa kambal at sa pag papa opera ni Happy dahil alam kong naging magulang din naman sila sa kapatid ko.

 

My Husband's Last WishWhere stories live. Discover now