Chapter 5

22K 994 202
                                    

HIREIN'S POV

"Ang sexy naman n'ya!"

"Agree!"

"Ang ganda pati n'ya."

"Bagay na bagay sa kan'ya ang uniform ng University natin."

"S'ya na ang pinaka magandang babae na nagsuot ng uniform natin."

"Miss! Anong pangalan mo?"

"Miss, can i court you?"

"Pare, grabe ang ganda n'ya."

Ilan sa mga naririnig ko habang naglalakad ako sa may corridor papuntang room. Hindi ako sanay sa maiksing palda kaya kailangan kong sanayin ang sarili ko.

Pinilit lang rin ako ni mommy na suutin tong uniform at sinabi rin ni sir Cuballes na kailangan suot ko na ang school uniform ko.

Habang naglalakad ako ay may tumawag sa akin.

"Hirein!" Sigaw ni Heaven. Tumatakbo s'ya palapit sa akin habang nakangiti. Nang magkaharap na kami at pinasadahan n'ya ako ng tingin mula paa hanggang ulo. "Grabe! Bagay na bagay sa'yo."

"Ang iksi." Reklamo ko habang binababa ang palda.

"Ano kaba, ayos lang 'yan." Sabay hila sa'kin ni Heaven.

"Teka? Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nagpapahila sa kan'ya.

"E di ihahatid ka." Sabi n'ya habang hila hila ako.

"Ihahatid ako o may sisilayan?" Agad s'yang napatigil at humarap sa akin habang namumula. Natawa na lang ako sa kan'ya. "Mahahalata ka n'yan." Sabi ko sabay hawak sa kan'ya at hinila s'ya.

"Teka? Sa'n tayo pupunta?" Sabi n'ya habang hila-hila ko s'ya.

"Diba ihahatid mo'ko?" Natatawa kong sabi.

"Ha? Eh.... ano... may.. g-gawin pa 'ko eh." Palusot n'ya. Mahina naman akong natawa.

"Sus! Siguraduhin mo kapag nagpapalusot ka effective." Natatawa kong sabi. Hahaha.

"Ha? Totoo 'yung sinasabi ko."

"Haha." mahina kong tawa. "H'wag nang magpalusot, halika na."

"A-Ayoko talaga."

"Bahala ka may nagugustuhan na si Cris na babae, sige ka baka mauhan ka." pananakot ko sa kan'ya.

"A-Ano? May babae na s'yang nagugustuhan?" Bakas sa tono n'ya ang lungkot.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon