CHAPTER 21

166 8 0
                                    

T W E N T Y  O N E

Third Person's POV

PRENTENG nakaupo at pakain kain lang ang mga tao sa HQ ng Mafia Lord na si Carbon nang makatanggap sila ng biglaang tawag mula sa kanilang Lord.

"Oh f uck! The telephone!"

"Shit! The lord!!"

"Answer it! Dono hates waiting!"

Taranta at kinakabahang sinagot nila ang telepono.

"Y-Yes, Lord?"

"Send me the current location of Rabis." ustos nito. Sa paraang iyon kasi ay malalaman niya kaagad kung sino ang batang minamanmanan ng mga ito.

Nagkatinginan naman ang mga tauhan niya.

Rabis? Kilala nila kung sino ang tinutukoy ng Lord nila. Dahil minsan na rin itong nabanggit sa kanila.

Ang akala nila ay nabuwag na ang samahan ng mga ito at natigil na ang masasamang gawain nila nang mapatay ng Lord nila ang boss. Pero heto at nagbalik pala sila.

"I know what's running on your mind right now people. They're back and I'm going to stop them... again." isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "And by the way. Activate some of my deadly weapons. I think I'm gonna kill... a lot." anito. "Gonna go." pinal na sabi nito saka pinutol ang koneksyon sa HQ nila.

☣☣☣☣☣☣☣☣☣☣

Aize' POV

"TITO gutom na ko." ungot sa akin ng buwit na kasama ko. Pasado ala una na ng hapon at ngayon lang nya naisip na mag tanghalian dahil masyado syang naaliw sa pamamasyal.

"Sinabi ko na kasi sayo kanina na kumain na tayo, ayaw mo naman. Tara nga." kinarga ko siya, pinasok sa kotse ko at umalis na kami. Balak ko siyang dalhin sa Jollibee. Paborito kasi niya iyon.

Mapayapa akong nagdadrive sa high way ng biglang...

SKREEEEEEETTTHHHH.

Napapreno ako ng biglang may humarang na motor sa harapan ng kotse ko. "SHIT!" pababa na sana ako ng biglang bumaba ng motor ang nagmamaneho nito. "Sino naman to?"

Samantalang, yung bata sa tabi ko, nakatulog na pala at di man lang nagising dahil sa nangyari.

Ang babae ay may kulay abong mga buhok na nakapuyod ng mataas habang naka suot ng leather jacket at jean. Hindi pa sya naiinitan?

Naglakad ito palapit sa akin pero suot nya pa rin ang helmet nya.

Anong trip ng isang to sa buhay?

Lumapit ito sa sasakyan ko at kinatok ang binata ko. Mabilis ko naman siyang pinagbuksan at sumigaw.

"Anong problema mo, ah? Pano kung nasagasaan kita?!"

Sahalip na sagutin ako ay nagtanong din ito. "Yung bata, siya ba si Handrie Black Lowen?"

Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. "Pano mo nalaman ang pangalan ng buwit na to?"

"Hindi na mahalaga iyon, sir. Nasa panganib ang batang kasama mo." anito.

Naguluhan naman ako sa sinasabi niya. "Anong nasa panganib?! Kidnapper ka no? Lelong mo di mo ko malolo!" mabilis kong sinara ang bintana at aalis na sana pero agad syang humarang sa harapan ng kotse ko.

SECRET MAFIAWhere stories live. Discover now