EPISODE 73

55.3K 1K 99
                                    

Maggie's P.O.V.

Sa umpisa, nagkakatinginan pa kaming tatlong mga babae dahil sa mga ikinikilos ni Luke. Lalong-lalo na nang hiningi nito ang susi ng kuwarto ni Dette mula bruhildang landlady na 'yun. Natutukso man akong makialam at tanungin si Luke kung ano ang pinaplano n'ya pinabayaan ko na lang ito. Sumunod na lang kami nina Abby at Laura sa kanya, matapos nitong mapabuksan ang kuwarto ni Dette sa landlady.

Kinalabit ni Luke ang switch ng bumbilya; bumukas naman agad ang ilaw. Sa pagliwanag ng paligid, tumambad sa amin ang isang napakaliit na kuwartong hindi na halos kaming magkasyang apat. Meron itong lumang box type na single bed na nakasukdol ang kaliwang bahagi sa dingding. May isang maliit na lamesita sa kanan ng kama. At sa lamesitang 'yun ay may nakapatong namang isang maliit na photo frame at tatlong botelya ng gamot. May nakalagay na isang maletang katamtaman ang laki sa bandang paanan ng kama. Nag-assume na lang ako na naroon na lahat ang gamit ni Dette, dahil wala naman akong maaninag na ibang gamit—at kahit isang kabinet doon. Ang mayro'n lang ay ang sa isang maliit na salamin na nakasabit sa may switch ng ilaw.

Maayos naman ang kuwarto. Malinis at walang kalat. Pero napakaliit talaga nito at napakainit. Wala itong sariling kusina at banyo. Kuwarto lang talaga ito na may isang maliit na kama.

Hindi naman ako maselang tao. Pero hindi ko alam kung pa'no natatagalan ni Dette ang lugar na iyon. Ni wala itong bentilador, o bintana man lang para mapagdaanan ng hangin. Tama nga ang pagsasalarawan ni Abby na para nga itong isang bartolina; isang lugar na pati siguro ang isang aso'y hindi titira.

Dikit-dikit kaming tatlo sa may pintuan. Pinagmamasdan namin si Luke na lumalakad papunta sa tabi ng kama ni Dette. Umupo ito sa gilid nito, at tila naiiyak na kinuha nito ang isang maliit photo frame na nakapatong sa maliit na lamesita.

Dahil tsismosa ako, lumapit ako nang kaunti kay Luke para silipin kung kaninong litrato ang nasa photo frame.

Litrato pala ito ni Luke na may nakasingit na litrato ng anak nilang si Karina. Pinagmamasadan pa namin ito ni Luke nang mapansin kong humihikbi na ito. Mga Hikbing unti-untining naging mga impit iyak. Mga impit na iyak na kalauna'y naging hagulhol.

Nag-aalinlangan ma'y tumabi ako sa kanya, at hinaplos ang likuran nito. Napapasulyap din ako kay Laura at Abby, na mukhang nata-touch na rin sa pag-iyak ni Luke.

"I'm so stupid she doesn't deserve me..." Paulit-ulit na ungot ni Luke. Kinukusot nito ang kanyang mga mata, "Ako dapat ang pinaparusahan ng Diyos hindi s'ya." Mas lalong lumala ang paghikbi nito at paghagulho. "Sana ako na lang...sana ako na lang ang nagkasakit."

"Hoy. H'wag ka naman ganyan Luke." Sabi ni Abby. "I'm sure may dahilan ang Diyos kung bakit kailangang mangyari ang mga bagay-bagay."

"Nasaan na kaya s'ya?" tanong ni Luke kay Abby.

"Hindi ko rin alam." Sagot ni Abby. "Baka naman may nilakad lang."

"Ganito ka-late? Malapit na mag-alas nuebe nang gabi ah."

"Hindi ko alam ang isasagot ko sa 'yo, Luke." Si Abby ulit.

Mga limang minuto ang lumipas, nang narinig ulit namin ang boses ng landlady.

"Hay naku, binayaran na nung poging bisita mo ang renta mo." Anito sa kausap nito sa labas. "Pero kung gusto mong mag-advance, pwede rin."

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon