Chapter Thirty-Two

304K 8.8K 3.1K
                                    

"Bumalik na tayo sa yate! Bakit natin iiwan ang mga bata ro'n, ha?! Nahihibang ka na ba?!"

Alam kong ang lakas ng boses ko at napapatingin sa 'min ang ilang turista pero naiinis na talaga ako.

"They don't want to come with us. We can't force them," sabi naman ni Arken. Lalong napakunot ang noo ko.

"So, hahayaan na lang natin ang mga bata sa yate habang nandito tayo? Gano'n?!"

"Relax, Cad is with them. He's trustworthy," pagpapakalma niya sa 'kin.

"Para sa 'yo trustworthy siya, pero para sa 'kin, hindi! Bumalik na tayo sa yate, ngayon din!"

Sinubukan ko siyang hilahin pero hindi siya nagpatinag. Naiinis na napapadyak naman ako sa sahig at sinuntok ang braso niya. Mukhang hindi naman siya nasaktan dahil nakatingin lang siya sa 'kin at hindi nag-react.

"Saang lugar ba 'to?!" naiinis na tanong ko pa.

"Siquijor."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tila hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Napakamot naman siya sa kilay niya.

"At bakit tayo nasa Siquijor?! Nababaliw ka na ba? Bumalik na tayo sa yate ngayon din!"

Naiinis na binitbit ko ang bag ko at akmang aalis nang hawakan ni Arken ang braso ko at kinuha mula sa 'kin ang bag.

"Jonalyn, napagod ako sa pangangampanya. I deserve to take a rest too, right? And it's awkward to enjoy this island all by myself, so I brought you with me," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napabuntonghininga ako nang mapatingin sa mga mata niya, halata nga ang pagod sa mga 'yon. Tama naman siya, deserve niya rin naman ang magpahinga at mag-enjoy.

Medyo nakokonsensiya ako sa paninigaw ko sa kaniya.

"Bakit tayong dalawa lang? Bakit hindi kasama ang mga bata?" tanong ko na lang saka napairap.

"They don't want to. You know that I tried my best to convince them to come with us. They want to stay on the yacht. We can't force them to come with us," paliwanag niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kaniya.

"Jonalyn, if you don't want this, then fine, we'll head back," sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

Muli akong napatingin sa kaniya, tila nagsusumamo ang mga tingin niya, para bang nagmamakaawa siya sa 'kin sa pamamagitan ng mga tingin niya na samahan ko siya at 'wag ko siyang iwan dito. Napabuntonghininga ako.

"Sige na nga, pero kapag na-bore ako, babalik na tayo sa yate. Okay?"

Bahagya siyang napangiti sa sinabi ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Napaismid na lang ako at napaiwas ng tingin nang maramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

Nagpatianod na lang ako sa kaniya. Napapatingin ako sa paligid habang naglalakad kami. Sa totoo lang maganda ang dagat dito sa Siquijor, paniguradong maraming magandang lugar na puwedeng puntahan dito. Ayoko lang sabihin kay Arken pero medyo nae-excite ako. Ngayon na lang uli yata ako nakapunta sa beach.

"Bakit kailangan nating mag-check in sa hotel?" nanggagalaiting bulong ko kay Arken.

Hindi niya pinansin ang tanong ko at kinuha na lang ang susi ng silid namin sa receptionist.

"Bagay po kayong dalawa, Ma'am, Sir. Enjoy po kayo sa honeymoon n'yo," nakangiting sabi ng receptionist na tila kinikilig pa.

Akmang magsasalita na ako upang sabihin na hindi kami magha-honeymoon nang hilahin na ako ni Arken papasok ng elevator. Naiinis na sinuntok ko ang dibdib niya.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon