21 - Not Over Yet

1K 95 106
                                    

21 - Not Over Yet



"It's him. Lance Peña's lover is Dr. Ferdinand Chavez."



"It doesn't make sense." Wala sa sariling naisaboses ni Noah ang laman ng kanyang isipan habang nakatingin sa litrato ng kagalang-galang na matandang lalaki sa profile na naka-display pa rin sa screen ng laptop. Kunot noo siyang lumingon kay Ally. "He only took the position yesterday. Kung talagang pinlano niya 'to ng masinsinan, paano niya nasigurong mababakante ang posisyon na 'yon?"



Tinignan lamang ni Ally ang binata na unti-unting nanlaki ang mga mata. Halatang nasagot na sa isipan nito ang sarili nitong tanong. "But we don't have any evidence and our conclusion is just based on what we already know. I personally think that there's a lot more behind this."



Tumatangong tumayo muli si Noah. "We have to tell the others."



Sumang-ayon din si Ally at agad na pinicturan ang screen ng laptop gamit ang kanyang cellphone. Isinukbit niyang muli ang kanyang bag. "If Vince arrives in the same conclusion, the chances of it being true would go up."



"You trust that genius too much." Ani Noah saka hinila ang isang kamay ng dalaga. Hawak niya sa kabila ang kanyang cellphone na nagbibigay ng liwanag sa madilim na library. Noong makarating sa lobby at sapat na ang liwanag na nanggagaling sa labas, pinatay niya na iyon at muling ipinasok sa kanyang bulsa.



"He never failed an exam, of course I'd trust his mind--" Agad na napakunot ang noo ni Ally noong biglang tumigil ang nauunang binata sa paglalakad. Mula sa likuran nito ay napasilip din siya sa main door ng library na gawa sa salamin. Tinted man ang salamin at may kadiliman na din sa labas, malinaw nilang naaaninag ang dalawang katawan na nakahandusay sa kalsada di kalayuan sa library.



"W-What was Kingsley wearing?" Halos walang boses na lumabas mula sa bibig ni Noah.



Ramdam ni Ally ang panginginig ng kamay na nakahawak sa kanya kaya hinigpitan niya ang kapit dito. Lalo pa at alam din niya kung kaninong bangkay ang natatanaw nila. "Noah, we have to--"



Muntik pang mapasigaw ang dalaga noong biglang sumulpot ang dalawang tao sa labas ng pintuan. Naging napakabilis ng pangyayari at huli na noong napagtanto nilang sina Felicity at Paul ang nasa harapan nila ngayon.



"Ally!" Hindi na napigilan ni Paul ang sarili at agad na niyakap ang dalagang nakakapit pa din sa kamay ni Noah. "You're really here. Thank God you're still alive."



"Ayos lang ba kayo? May mga sugat ba kayo? Anong ginawa nila sa inyo?" Sunod-sunod namang tanong ng babaeng pulis.



"O-Officer, you're bleeding." Doon lamang bumitaw si Noah sa kamay ni Ally at dali-daling tinanggal ang isang itim na panyo mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Ibinuhol niya iyon sa braso ng pulis na nadaplisan ng bala kanina.



"Thank you. We had to run kaya hindi ko pa natatalian." Ani Felicity. "Hindi ko rin naman nararamdaman."



"Where are the others?" Tanong ni Ally at mula kay Paul ay inilipat din niya ang tingin kay Felicity. "We found out about a lot of things. We even have Lance Peña's diary. Vince should see it."



"Ally..." Hindi malaman ni Paul kung paano sasabihin sa dalaga na wala na ang taong tinutukoy nito.



"No." Napailing-iling si Noah.



"Your cousin is with Hailey at the basement of ME building." Mabilis na sabi ni Paul sa binata.



"And the others?" Pag-uulit ni Ally. Ayaw niyang paniwalaan ang kanyang mga naiisip hanggat walang nagsasabi mismo sa kanya.



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon