Chapitre 3

19.8K 618 65
                                    

" Hey" napatalon ako sa kinatatayuan ko dahilan para mabitawan ko yung kutsilyong ginagamit kong panghiwa ng bawang.

Naramdaman ko nalang yung kamay ni Keian sa may hips ko.

" Anong 'hey' ka dyan!? Grabe ka manggulat! Buti na lang at hindi ko nahiwa ang sarili ko!" Nanigas ang katawan niya at inikot ako paharap sa kanya.

" Are you okay? Are you hurt?" Nanlalaki ang matang tanong nito. Halata ang pag-aalala sa mata niya.

Inirapan ko ito at tinulak palayo sa akin.

" Keian, kanina ka pa yakap nang yakap sa akin. Hindi naman sa ayaw ko pero yakap ka nang yakap eh!" Reklamo ko.

Totoo naman kasi eh!

Clingy much?

" I don't care. I want to hug you everytime at bakit naman gulat na gulat ka nung niyakap kita? I am here since this afternoon" tinignan ko ito nang masama.

Gabi na kasi at ngayon lang ako makakapaghiwa para sa pagkain namin ngayong hapunan.

" Eh sa wala akong nagagawa kapag nakayakap ka eh"

" And why is that? Grabe na ba ang kilig mo at hindi ka makagalaw?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero bahagyang namula kasi totoo yung sinabi niya.

" E-eh kasi wala ka bang gagawin or anything? Magpahinga ka muna don sa sofa para makapagluto ako" nakita ko ang pagnguso nito tsaka siniksik ang mukha sa leeg ko.

" Let's just order food..." may pagkabatang sabi nito.

" Eh diba nga, disabled credit at debits mo?" Lumayo siya sa akin at tinignan ako na parang nagtatampo.

" Ano sa tingin mo sa akin? Walang personal money?" Napanguso ako. Oo nga nohhh. Hehe.

Tumingin ako sa may sangkalan tsaka sa isang expectantly looking na si Keian.

" Fine"

Napa'yes' ito at kinuha ang phone.

Tinamad na rin akong magluto eh.

" What do you want?" pinalibot nito ang isang kamay sa bewang ko tsaka hinila paupo sa sofa.

Umirap ako sa ginawa nito.

" Chicken wings" pabulong kong sabi.

Lumingon ito sa akin na may nakakunot na noo.

" Kung okay lang?"

He warmly smiled at me.

" Of course baby, anything for my wife and child. Is that all you want?" Namula ako sa sinabi nito lalo na't hinagod nito ang tiyan ko pero tumango din ako.

" Y-yes" tumango tango ito at may tinignan sa phone.

" Then I'm going to order chicken wings and beer alright?" Medyo nagulat ako sa may parteng beer pero pumayag na din. Libre niya naman eh.

Maya maya ay dumating na yung pinadeliver namin at si Keian yung nagreceive.

Binaba niya yung mga paper bag sa may coffee table dito sa sala.

*shineeeee*

Kumislap ang mata ko sa pagkaing nasa harap namin.

Ang saraaappp!

Ang bango paaa!

Kaagad akong napangiti at kumuha agad ng isang chicken.

" Hmmm" napalingon ako kay Keian na nakatitig lang sa akin habang kumakain ako.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon