Chapter 102: We are Class Zero

44.2K 3.4K 5.5K
                                    


Twitter: THANK YOU CLASS ZERO

MAHIRAP na para sa amin ang pakikipaglaban noong umiiral ang Devil hour sa buong Maynila pero ngayong nabasag ang Devil hour ay mas nahati ang atensyon naming lahat sa kung paano namin mapapatay si Deathevn at kung paano namin mapoprotektahan ang ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MAHIRAP na para sa amin ang pakikipaglaban noong umiiral ang Devil hour sa buong Maynila pero ngayong nabasag ang Devil hour ay mas nahati ang atensyon naming lahat sa kung paano namin mapapatay si Deathevn at kung paano namin mapoprotektahan ang mga sibilyan na nasa paligid.

Nakatanaw ako kay Deathevn na lumilipad sa kalangitan habang nagbubuga ng apoy. Rinig na rinig ko sa paligid ang malakas na sigawan ng mga tao dahil sa takot. Gamit ang buntot nito ay hinampas ni Deathevn and isang mataas na establisyimento at nagsimulang bumagsak ang malalaking tipak ng bato sa kalsada.

"T-Tulong!" Malakas na sigaw ng isang mayandang babae  at mabilis akong tumakbo tungo sa kanyang direksyon. Ikinulong ko siya sa aking bisig at nagpagulong-gulong kami sa daan. Gladly, we managed to dodge that big piece of stone.

Maya-maya pa ay napasigaw muli ito noong may isang lawbreaker ang tumatakbo tungo sa aming direksyon. Inilabas ko ang aking dagger at mabilis kong hiniwa ang kayawan ng lawbreaker. Tumalsik ang dugo nito sa buo kong katawan at unti-unti itong naglaho.

Bumalik ang tingin ko sa babaeng tinulungan ko. She look terrified. "A-Ayos lang po ba kayo? Mas maigi po kung pupunta kayo sa mas lig—"

Humakbang ako papalapit sa kanya at humakbang siya paatraa. "H-Huwag kang lalapit! Halimaw ka! Isa kang halimaw!" Sigaw niya sa akin at mabilis na tumakbo papaalis.

In normal circumstances, masasaktan ako sa kanyang sinabi pero iba ang sitwasyon ngayon. Biglaang na-expose sa buong mundo ang tungkol sa aming mga glitch at batid kong karamihan sa mga normal na tao ay takot ang unang magiging reaksyon.

May mga ibang estudyante na tumtulong sa pagpapalikas sq mga tao katulad ni Takinna namataan ko sa 'di kalayuan at marami ring glitches ang nakikipaglaban sa mga lawbreakers.

The whole place is in chaos.

"Jamie!" Malakas na sigaw ni Seven ang aking narinig habang kasunod niya si Kiran at Sir Joseph. "Where is everyone?" He asked.

"S-Si Kiryu at Jessica ay tumutulong sa paglilikas ng mga tao samantalang si Claire ay ginagamot panandalian si Ace..." paliwanag ko.

"Si Teddy?" He asked.

Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano matatanggap ni Seven ang sinapit ni Teddy. Teddy is his bestfriend. "W-Wala na si Teddy." Wika ko.

He's expression changed. "A-Ano?"

May luhang bumagsak mula sa aking mata. "Wala na si Teddy." Mas klaro ang pagkakasabi ko sa pagkakataong ito. "Nagawa siyang mapatay ni Tasha."

"Tangina naman!" Malakas na sigaw ni Seven.

Napatigil ang aming pag-uusap noong nagbuga muli ng isang malaking bolang apoy si Deathevn at umalingawngaw sa buong Maynila ang malakas na pagsabog at ramdam na ramdam namin ang pagyanig ng lupa dahil sa pangyayari. "L-Let's talk about that later." Pagputol ni Sir Joseoh pero maging siya ay nasaktan sa ibinalita ko.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon