Chapter 07

432 124 50
                                    

Nakakapagod ang buong maghapon, kakatapos lang nung long quiz namin buti naman nakasagot ako. It's finally Friday at awas na kami. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas dahil ang daming ganap ngayong week.

"Ashley g ka mamaya?" tanong ni Reina habang nakatingin sa phone niya siguro kinakausap niya sila Skye.

"Saan?" kunwari kong sagot pero alam ko na sa bar na naman ang punta ng mga 'to.

"Bar?" nakatingin parin sa phone sino kaya kausap nito?

"Pass muna siguro Rei sa susunod na lang gusto ko munang mag rest next week na lang sorry" palusot ko sa kaniya and I laughed a little para hindi niya mahalata.

"Awts gege"

Nag drive ako pauwi na sa condo at ginawa ko na ang mga kailangan kong gawin. Naghahanap ng available sa refrigerator for my dinner.

Biglang namang tumunog 'yung phone ko kaya napakunot ang noo ko. I checked my social media at napagtanto kong may nag message sa'kin sa instagram.

@callixrmz: Dinner?

@ashlalvarez: Huh? Na wrong send ka ba?

Kunwaring tanong ko but why he is inviting me in a dinner? o,na wrong send talaga siya? Lumaki ang mata ko ng makita ko na nag type pa siya ulit ng message.

@callixrmrz: let's have dinner :)  Where is your condo?

Oh, he is inviting me to join him for dinner nga. Why kaya? gusto niya ba talaga ako? Hindi ko alam pero mukhang seryoso naman siya sa ginagawa niya. Umamin siya sa akin noon pero hindi ko 'to pinansin. 

@ashalvarez: Okay.

Napa 'oo' na lang ako gusto ko din siya maka usap sa mga bagay kahit hindi kami close.

Sinabi ko na lang sa kanya 'yung directions papunta dito sa condo ko na malapit lang 'yon sa Ust. Bakit pumayag nga pala ako?! eh i-init lang naman ang dugo ko doon sa Callix na 'yon. He is annoying pero ayos lang. 

Wala naman pala akong food naubos na yung grocery ko kaya tama din na sumama ako sa kanya. I'll buy nalang tomorrow morning.

I heard someone knocking kaya agad akong pumunta sa may pintuan at pinag buksan siya.

"Hi" panimulang bati ko. Hindi ko alam ang aking sasabihin kaya 'yon na lang ang nasabi ko.

"You wanna date me, right?" sabi niya sa baritonong boses.

"Baka ikaw!" inirapan ko na lang siya, assuming nito.

"Just kidding. Let's go" 'di pa rin maalis 'yung tawa sa kanya baliw ba 'to? Is he okay? 

"Are you okay? I think you need to go to the doctor." pabalang kong sabi sa kaniya. 

Agad naman siyang natahimik habang naglalakad kami at sumeryoso ang mukha. Siguro normal na sa kanya ang walang expresyon. Kaya niyang baguhin ang expresyon ng mukha niya ng gano'n kadali.

Pagka punta namin sa parking area pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat tapos umikot naman siya para pumunta sa driver's seat. I betrayed my friends for going out with this guy. Sorry guys I love you all! sana 'di nila ako makita kasama 'tong Callix na ito.

Nag message na lang ako sa gc namin na busy ako at next time na lang.

Diko alam kung saan kami pupunta hindi ko naman tinanong kasi napaka awkward ng atmosphere. After ilang minutes nandito kami sa isang mamahaling restaurant pagpasok namin tinitingnan siya nung mga babae sigurado namang siya 'yon at hindi ako because hindi naman maipagkakaila na gwapo siya. 'Yung features ng mukha niya his jaw lahat ata sa kaniya ayos na, e.

Pathway to Success (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now