.

19 4 0
                                    

Ayun na nga lumakad ako pabalik sa kwarto ko pero nakita ako ng kuya ko na umiiyak at tulala sa kawalan pinahinto niya ako at nagtanong

Kuya Pat: Huy! Anong nangyari sayo?! Sino ba yung lalaking kausap mo kanina? Pinahiya ka ba? Binastos ka? Bat di mo sinabi? Nasan na yun?

Agad ko siyang pinigilan sa pagsasalita

Ako: Tama na kuya! Wala na (bumubuhos na ang luha nito) Hindi na niya ako mahal, May kapalit na ako huhu!

Napaupo ako at nabitawan ang dalang kahon

Kuya Pat: Bat di mo sinabinh boyfriend mo pala yun?
Ako: ex! ( Agad na sambit nito) ex na niya ako! Ano bang mali sakin kuya? ( Patuloy pa din sa pag-iyak)

Binuksan ko ang kahon para tignan ang laman nito una kong nakita ang mga Picture frame naming dalawa, yung unang larawan na nag-celebrate kami ng First monthsarry at nakita ko rin ung picture nmin na Nagcelebrate kami ng anniversarry sobrang saket! Parang pinipiga ung puso ko na sa tuwing nakikita ko ung mga larawan namin na masaya pa kami, sumunod ko naman nakita yung teddy bear na kulay violet na paborito kong kulay na binigay niya nung second monthsarry namin nandito din ung fairy lights na nagpapaalala sakin yung mga gabing parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo, Nasa laman din ung camera na ginagamit namin tuwing namamasyal kami.
Bigla namang sumingit ang kuya ko

Kuya Pat: eh! Kung sunugin mo na kaya yan! Lalo ka lang sasaktan niyan eh!
Ako:Sunugin?! (Tumingin ito at nanlalaki ang mata sa kausap)
Kuya Pat: oo! Para wala nang mga bagay na magpapaalala sayo atsaka dami pa namang iba jan
Ako: Wala nga akong mahanap ( sumingit ito ng pasigaw) Mahal ko nga siya! ( lalong bumugso ang pagpatak ng kanyang luha)
Kuya Pat: Sunugin mo yan! Try mo nga lang

Sunugin? Pag sinunog ko ba ito kasama siya sa masusunog sana ganon na lang mas okay pa pero hindi eh! Osya! Sinunog ko ung mga gamit na nagpapaalala sa pagsasama naming dalawa habang nag-eemote ako sa loob ng kwarto ko parang nasinghot ko yata lahat ng usok sobrang sakit ng ulo ko kagabi pa ito ah! Osya! Itutulog ko na lang tong pukeners na ito!
Patulog na sana ako ng bigla kong narinig ang sigaw ng girlfriend ng kuya ko Si ate Grace sobrang lakas ng boses wala yata itong balak na patulugin ako eh! Lumabas ako ng kwarto para tignan kung ano ba ang pinagsisisigaw ni Ate Grace dun...

Ako: Ano ba ate grace ang ingay mo ( kumamot sa ulo)
Ate Grace: Sama ka? ( Nakakandong ito kay Patrick)
Ako: Saan? ( Walang emosyon)
Ate Grace: sa bundok! Aakyat kami ng bundok
Kuya Pat: (Biglang tumayo na siyang ikinahulog ni Grace) Ay oo tama! Good idea! Bunso lagi ko tong napapanood sa mga pelikula at youtube na kapag umakyat ka ng bundok pwede mo daw isigaw lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon para pagkababa mo ok ka na malay mo effective dba love? (Lumingon ito kay Grace na nooy nakasalampak pa din sa sahig at nakataray) ayyyyt! Sorry love! ( Binuhat nito si Grace at kinandong ulet)
Ate Grace: try mo lang namn april

Aakyat sa bundok? Nakakapagod tsaka di naman ako marunong pero sige na lang kasama naman si kuya eh pero sa totoo lang ang sarap pagsisipain tong dalawang ito eh naglalandian sa harap ko pa talaga

Ako: itigil niyo nga yan. ( Pagtataray nito)
Kuya Pat: baket?
Ako: walang Forever mamatay din kayo (Pagtataray ulit ni april habang naka cross arm)

Tumungo ako sa kwarto para magligpit ng gamit dahil umaga uumpisahan ang paglakkwatsa namin bukas basta ngayon matitulog muna ako at isa pa talagang sigaw niyang Hinayupak na Grace na yan itatapon ko na yan sa ilog pasig.

Dating with the JejemonWhere stories live. Discover now