chapter 9

10.9K 195 2
                                    

I'm home!!!
Ang tahimik naman ng bahay. Sana sumama na lang ako kay Tina na gumala, maaga kasi kaming na dismiss sa klase, may lakad daw si Prof na conference. Magagalit rin naman si kuya pag-gagala ako, I shrug. Mamaya pa naman ang dating niya kaya doon na muna ako sa kwarto niya. Di naman siya magagalit e. 

Dali-dali akong pumasok sa kwarto niya at isinira, alam niyo kasi may isang kwarto si kuya dito, lagi itong naka-lock kaya nacurious tuloy ako. May tinatago siguro si kuya na chiks dito. Matatawa ako pag-maisip ko 'yong reaction niya.

Nakita ko ang susi sa drawer niya kaya agad kong binuksan ang kwarto. Nagulat ako sa mga nakikita ko, literal na nanlaki talaga ang mata ko.

Kahit saan ako lumingon ay nakikita kong nagkalat ang mga pictures, mga larawan ko actually. Ahmm...iba't ibang angulo. May na'sa school, na'sa kwarto, kahit nakatulog at kumain ako. Paano kaya 'to ginawa ni kuya. Di ko naman siya nakikitang may dalang camera. Mahilig pala siya sa pagkuha ng picture, ngayon ko lang nalaman. Pero bakit lahat yata nandito, mukha ko lang? Hinawakan ko ang isang picture kung saan natutulog ako sa kwarto. Anong gagawin ni kuya sa mga ito? Lahat ng picture may nakasulat na " my love ". So? Mahal ako ni kuya? Napatango ako sa naisip, siguro tama ako. 

Sa paglalakad ko may nakita pa akong isang pinto kaya agad ko itong binuksan. Wow!!! Connecting pala ito sa kwarto ko. Ngayon ko lang napansin. Dapat dito na ako dadaan pag may kailangan kong magpaturo Kay kuya. Ang Dali lang dito e.

" Diyos kong Bata!!!!
" Ayy... Palaka ka!!!
" Nanay!!! Akala ko si kuya, ikaw lang pala "

Pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa mga larawan na na'sa dingding. Gulat at takot ang na'sa mata niya, nanginginig pa ang katawan niya kaya nilapitan ko siya. Napapitlag pa siya ng hawakan ko ang kamay niya.

" Nanay, mahilig po pala si kuya sa pagkuha ng larawan?. Nakatitig lang siya sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagtatanong. " Tingnan mo nay, connecting rin pala ang room namin ni kuya " ipinakita ko sa kaniya ang kwarto ko. Hindi siya umimik kaya nagtataka na ako. Yong itsura niya kasi di ko maintindihan. 

" Ang dami kong pictures dito nay " inosenting tiningnan ko siya. Hinaplos niya lang ang pisngi ko. " Ahm, Aira iha, pwede bang lumabas muna tayo dito, baka magalit ang seniorito pag nakitang pinapakialaman natin ang gamit niya " nakangiting Sabi niya. Ngumuso ako " Mahal ako ni kuya nay, Sabi niya sa akin kaya di niya akong magawang pagalitan " lumaki ang mga mata niyang tiningnan ako.

" What are you doing here???
" Kuya!!!
Niyakap ko si kuya at hinalikan sa labi. Ngumiti siya then he touch my cheeks. Bumaling siya Kay nanay, malamig ang tingin niya kaya yumuko si nanay. " Pasensiya na seniorito, di na po mauulit " mahinang sabi niya. Bakas sa boses nito ang panginginig kaya nagtataka ako. " Wag kang mag-aalala nay, di ka rin naman pagagalitan ni kuya...bumaling ako kay kuya " di'ba kuya?. Ngumiti siya sa akin at muling tiningnan si nanay.

" Let's talk, in my office " at hinila ako palabas.

" Ang dami ko palang picture dito kuya, pahingi naman ng Isa " masayang Sabi ko. Ginulo niya ang buhok ko kaya napasimangot ako. 

" Do whatever you want princess, kakausapin ko lang si nanay ok? Tumango ako. He kiss my lips once again. " Stay here, babalik ako kaagad " at lumabas siya sa kwarto kaya naiwan na naman ako. Humiga lang ako sa kama niya hanggang sa nakatulog ako.

( Sa mga nagtataka kung bakit ang ikli ng mga update ko, pagpasensiyahan niyo na, yon lang talaga ang naisip ko hehehe)

My stepbrother obsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon