Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 11 : Hu u?

30.4K 1.1K 185
                                    

***

Alas-diez na ng gabi ay hindi pa rin makapag-beauty rest si Anne. Nakikipagtitigan siya sa kisame ng kuwarto niya at nagbabantay ng butiki. Oo, napapraning na siya.

Bakit ba naman kasi kailangan niya pang malaman na may date si Hunter ngayong gabi? At ang ka-date pa talaga ay isang kasingganda ni Ashley! Paano siyang makatutulog?

Sabihin man niya sa sarili niyang hindi worth it ng eyebags ang pagbibiling-baligtad at pag-aalala sa higaan, ang puso niyang timang, hindi niya makumbinse.

Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo sa kama.

"Syuta. Malay mo ba kung ilang beses nang nakipag-date 'yon? Na hindi mo lang alam?" bulong niya sa sarili. "Kahit hindi ka mag-beauty sleep, lalaylay lang 'yang eyebags mo, pero waley mangyayari."

Nagbuntonghininga siya. Hindi kaya talaga siya magugustuhan ni Hunter?

Nasa debate ang utak niya sa pag-iisip ng sagot sa tanong na iyon nang malakas na tumunog ang cellphone niya sa tabi ng unan. Dinampot niya at tinitigan ang isang unregistered number na tumatawag.

Matagal ang ring. Matagal din siyang tumitig. Nang matahimik ang caller ay ibinaba niya ang cellphone. Para makarinig lang uli ng ring. Nakipagtitigan uli siya.

Umingos siya nang tumawag sa ikatlong pagkakataon ang unknown na caller. At dahil naiimbyerna na siya, nang matigil iyon ay itinext niya.

     Sent 10:03:12 PM
     From : Anne
     Hu u po?

     Received 10:03:24 PM
     From : Unregistered
     Answer the damn phone, Anne.

Nakatitig siya sa reply. Aba! Inglesero! At alam ang pangalan niya!

     Sent 10:03:50 PM
     From : Anne
     Wow! Alm mo p tlg ang pngalan q a!
     Cno k?! Scam k no? mgkkunwari kng
     gling k s ibang bnsa tpos hihingi k ng lod!
     Tsk.

     Received 10:04:01 PM
     From : Unregistered
     What? This is Hunter, Anne. Answer the phone.

Aba at kilala pa si Hunter?! Tumaas ang kilay niya. Minamanmanan ba siya ng scammer? Akala ba nito ay nagbunga na ang pantasya niyang hilaw sa boss niya?

     Sent 10:04:25 PM
     From : Anne
     Aba, aba! Gngmit mo p tlg pngalan ng crush q! Scammer k!
     Sumbong kta s tatay q!

     Received 10:04:28 PM
     From : Unregistered
     Haha. You're really crazy. So, crush mo nga ako. ;)

Umingos siya sa nakuhang mensahe at mabilis na nag-type.

     From : Anne
     Hnd ikw. Wg kng feeling! Boss q ang -

Napatigil si Anne sa pagta-type. Binasa uli ang huling mensahe ng scammer. At napahawak siya sa bibig. Si Hunter nga kaya ang ka-text niya? Bakit? Paano? Anong nangyari?

     Sent 10:06:33 PM
     From : Anne
    Sir Hunter? Ikw tlg yan?

    Received 10:06:54 PM
    From : Unregistered
    Yes. Kanina ko pa sinasabi, Anne.
    I will call now.

Hindi pa siya nakaka-move on sa katangahan niya nang mag-ring uli ang cellphone. Wala sa loob niyang inayos ang buhok at maging ang pantulog na suot bago sumagot.

"Hello?"

Mahinang tumatawa ang nasa kabilang linya.

" 'Oy, Sir! Tatawa ka na lang diyan? Bakit ka tumatawag?" tanong niya rito habang malakas ang pitik ng puso niya.

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon