38

12.9K 299 20
                                    

Her POV

"Pwede bang manligaw..." he said pero bigla namang kumabog yung puso ko sa mga sinasabi niya sa akin ngayon.

Wait! don't tell me that Kiel is into me? Kaya siguro ganito siya ngayon umasta sa akin.

No! This can't be! I need to confront him as soon as possible.

"Kiel... I'm so sorry pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo." agad na sagot ko sa kanya.

"Alam ko." napangiwi naman ako sa reaction niya.

Bumuntong hininga naman ako. Kasi hindi ko inaakala na magugustuhan niya ako. Pero parang hindi ko man lang namalayan iyon. "I'm so sorry talaga Kiel pero I can't return your feelings for me." at napayuko naman ako. Para na frustate na naman ako sa sitwasyon ko ngayon.

Hindi pa rin kasi ako okay sa nangyari kanina tapos eto pa ang maririnig ko kay Kiel.

He nodded. "Alam ko rin." okay lang ba sa kanya ang mga pinagsasabi ko?

"At ayokong masira ang pagkakaibigan natin Kiel. Matagal na kitang kilala at kaibigan lang talaga ang maiibigay ko sa'yo." naging malapit na rin kase sa akin si Kiel at masasabi ko talaga na he is a good friend. Maasahan ko rin siya bukod kay Eula pero hanggang doon na lang talaga iyon.

"Alam ko rin 'yan, Vera." pero nagulat ako ng tumawa siya bigla ng malakas. Kaya napatingin ako sa kanya. Baliw ba siya?

"What are you laughing at?" asik ko dito.

Tumatawa pa rin ito. "Alam ko namang kaibigan lang talaga ang turing mo sa'kin, Vera. Pero natatawa lang ako sa "'I can't return my feelings for you'' mo." he said while mocking what I've said to him.

"Ano ba! Para kang baliw!" at hinampas ko naman siya. Niloloko ba ako nito?

He continue laughing and he stopped afterwards. "Sinabi ko lang naman kung pwedeng manligaw ah. Pero hindi ko naman sinabi na sayo ako manliligaw ano ka ba!" at tumawa naman siya.

So, hindi pala ako ang balak na liligawan niya?

Napahiya naman ako pero alam ko naman na nakahinga ng maluwag.

Tinignan ko naman siya. "So... hindi ako?" paninigurado ko.

"Hindi." napangiti na lang ako at mabuti naman at hindi ako.

"Kung hindi ako... edi sino?" I asked him.

He sighed. "Pwede ba akong manligaw kay Eula?" at naging seryoso naman ito ngayon. Mas nagulat naman ako sa sinabi niya ngayon sa akin. Si Eula?!

"Sa pinsan ko?!" makikita mo talaga ang paglaki ng mga mata ko. Kasi hindi ko talaga to ine-expect.

He nodded. "Yes, si Eula nga." sagot niya.

"How? Hindi mo naman nabanggit 'yan ah."

Napangiti naman ito ngayon. "You know... torpe eh. I didn't have the courage for almost 3 years now." at nagulat naman ako ulit. Kasi ang tagal niya na pa lang gusto si Eula. At hindi man lang siya umaamin dito.

"What?! Matagal muna pala siyang gusto?"

"Oo, at parang hindi ko na kaya na itago pa ang nararamdaman ko para sa kanya. I also want to be Jethro, Vera because he's brave." he's right.

I lied earlier... Jethro is not weak. He's the strongest man I know.

And If I were Kiel. I would also confess to Eula baka kasi maunahan pa siya at magsisi ito huli.

Now, I can see sincerity in his eyes. Kahit papano ay napangiti naman ako doon. Kaya naman pala parang iba yung mga tinginan niya kay Eula and the way he cares for her. Hindi ko naman kasi yun binigyan ng meaning kasi akala ko kaibigan lang talaga yung turing niya kay Eula. Kasi matagal na silang magkaibigan.

I know that Kiel is a good guy at wala naman akong problema sa kanya at hindi naman ako aangal pa sa panliligaw niya kasi sino ba naman ako para pigilan siyang manligaw sa pinsan ko, diba?

I pat his shoulder. "I'll support you then!" At binigyan ko siya ng thumbs up.

"Really?!" halatang natuwa siya sa sinabi ko.

"Of course! Siguro may chance ka naman kay Eula eh." pangpalakas ko ng loob niya.

"Do you think so?"

"Oo naman! Wala pa naman siyang nababanggit na lalaki na nagugustuhan niya sa'kin. Maybe you'll still have a chance."

"You'll help me, right?" and he smiled.

I nodded. "Oo naman! Kaya wag ka ng maging torpe diyan! Confess to her already bago pa siya maagaw ng iba sayo." sabi ko.

"Yeah, you're right. Sana wag mo munang sasabihin sa kanya 'to ha."

Tumango naman ako. "Oo naman you can trust me on this one, Kiel." at nginitian siya.

"Alright. So, here's the plan." at binulong niya sa akin.

As if namang may makakarinig sa amin dito. Natawa nalang ako kasi akala ko talaga na sa akin na sya manliligaw pero hindi para but kidding aside... I like him for Eula.

Pero habang nakabulong sakin si Kiel ay I saw Shia from afar, pero bigla lang itong lumiko.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon