Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 13 : Arbor

36.8K 1.3K 418
                                    

***

"Libre ko a. Pero 'wag super lafang, mga sisters! Alam n'yo naman ang bulsa ko, surviving lang. 'Wag i-murder!" sabi ni Anne kina Trina, Ada at Gina.

Biyernes. Araw ng sahod. Kaya siningil si Anne ng mga kaibigan sa pangakong panlilibre. Matapos siyang magpakain ng hapunan ay naisip ng mga ito na maliit pa ang butas sa bulsa niya kaya nagyaya sa isang Chicken and Beer bar na Korean style. Ngayon ay nakaharap sila sa patung-patong na piniritong manok at bote-bote ng beer.

" 'Pag nabutas ang bulsa mo, teh, donate kaming pang-sulsi! Para matahi mo!" tumatawang sabi ni Trina sa kanya.

"Mga bakla kayo! Wiz effect ang pang-sulsi! Basta 'wag kayong magpaka-juba at mahirap na..." giit niya bago kumurot sa manok at sumubo. Sa totoo lang ay gusto niyang maglaklak na agad ng beer para sa puso niyang sawi. Kasi naman, ang tukaang naganap sa kotse ni Hunter, ni hindi nito naalala nang magising. Ninakaw ang first kiss niya at hindi niya man lang maisumbat! Stress.

Ilang oras bago ang bankruptcy niya, sa kotse ng halimaw sa Manila Bay...

Sumandal si Hunter sa upuan nito mula sa pagkakayukyok sa manibela. Malalim itong humugot at nagbuga ng hangin. Kinuha nito ang panyo sa coat na suot. Nagpunas ng mukha.

"Now, I feel better," nakangiting sabi nito nang bumaling sa kanya.

Hoping siya. Malaki ang mata sa paghihintay na mag-confess ito. Akala niya, iyon na ang simula ng love story nila. Pero—

"Why... do you look at me like that?" usisa nitong kunot ang noo.

"Ha? E kasi... wala. Wala kang naaalala?" pagbabakasakali niya. Maganda ang pitik ng pilikmata niya rito.

Blangko naman ang mukha nito. "About what?"

Ngumuso siya. Lumingon ito sa likuran nito.

"Ano?"

Naniningkit ang mata niya rito.

"Ganito, Sir." Ngumuso uli siya habang tumatango rito. "Getching mo?"

Nag-isip ito habang isino-solve ang puzzle ng nguso niya. "Mahaba ang nguso mo?"

Pumalatak siya. "Anak ng! Wala, Sir. Kalimutan mo na lang."

"Ano nga?" nakangiting tanong nito. "Did something happen? Habang tulog ako?"

"Tulog ka ba talaga?" bulong niyang sa kabilang bahagi ng kotse nakabaling. "Baka nagkunwari ka lang e. Ang haba ng nguso mo."

"Hey, Anne. Ano nga?"

Nang lumingon siya ay malaki ang ngiti ni Hunter habang nakasandal sa driver's seat. Pakiramdam ng talandi niyang puso ay all-eyes ito sa kagandahan niya. Nagpupugay na naman tuloy sa kagwapuhan nito ang buong pagkatao niya.

Gravity! Ayan na naman tayo e. Talunan ako lagi 'pag nagpapa-guwapo lalo ang lalaking ito e. Umirap siya rito. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Nagpapa-cute ka?"

"Ang cute ko ba, Anne?" untag nito sa kanya. Halatadong nangungulit.

"Ang kapal ng fez mo, Sir! As in!"

"You don't find me cute? At all?" ulit nito.

"Wiz."

"Then that means... wala kang ginawa no'ng tulog ako?"

Namilog ang mata at bibig niya. Inangilan ito.

"Ako pa talaga? Ako pa talaga ang sa tingin mo ay may ginawang kahalayan sa'yo? Ikaw ang mahaba ang nguso!" singhal niya rito.

"Oh? What did I do?"

"Wala! Inosente ka!" saka siya bumulong ng mura.

Tumatawa-tawa lang ito. "Gusto mo ng ice cream, Anne?"

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Eloisa Madrigal, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Eloisa Madrigal
@TheCatWhoDoesntMeow
Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang gu...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 33 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @TheCatWhoDoesntMeow.
Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon