Chapitre 4

18.7K 569 57
                                    

" Pat, we are so happy na may kasama ka na sa buhay. Sorry kung iniwan ka namin, kayo ng kuya mo..."

" Ma"

" Princess, always remember na lagi mo kaming kasama... we are here to guide you"

" Pa!"

Biglang lumabo ang imahe nila Mama at Papa. Doon ako napadilat at sumalubong sa akin ang madilim na kwarto na bahagyang naiilawan ng lampshade.

Huminga ako nang malalim bago naisip ang panaginip ko.

Nagkita kami nila Mama at Papa.

Hindi ko napigilang mapaluha at pinilit na hindi mapahagulgol lalo na't katabi ko sa kama si Keian.

" Huhu"

Nainis naman ako sa sarili ko.

Bakit ba tuwing ayaw kong marinig na umiiyak doon ako napapahagulgol!

-_-

Ginalaw ko ang kamay ko para punasan yung mga luha ko nang hindi nagigising ang nakayakap sa akin na si Keian.

" Hmm?"

Argghh.

Humigpit ang yakap sa akin nung kasama ko at binaon ang mukha sa leeg ko.

Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko kasi mahirap huminga.

" Nass?" Inaantok at mahinang tanong ni Keian.

Lumingon ako sa orasan at ala-una palang ng madaling araw.

Bahagyang humiwalay sa akin si Keian at binuksan ang isang mata para tignan ako.

Nang mapansing umiiyak ako at basang basa ang pisngi ay napadilat yung isa pa niyang mata at kaagad na kumunot ang noo.

" Why are you crying? What happened?"

Suminghot ako tsaka umiling.

" Wala lang. Matulog ka nalang, Keian" mas kumunot ang noo nito at tumingin sa orasan.

" Nassandra, tell me what happened" may pagkabossy na sabi nito.

I let out a shaky breath at dun binuksan ni Keian yung isa pang lampshade dito sa kama ko.

" E-ehh. Napaginipan ko kasi sila Mama at P-papa" lumakas ang pag-iyak ko pagkatapos nun.

His expression softened and he immediately hugged me again.

" Is it a bad dream?"

" Hindi. Ang sabi nila, masaya sila na may kasama na ako and that they're always by my side to guide me" nginitian ako ni Keian at pinunasan ang basa kong pisngi.

" It's okay, baby... what your parents said is true, they'll always be here. In your heart" tinuro nito ang dibdib ko kung nasaan yung puso ko habang ang isa pang kamay ay nakapalibot sa baywang ko.

Huminga ako nang malalim tsaka ngumiti.

" I know Keian. Nakita ko kasi sila ulit kaya naiyak ako" ngumuso ito at hinawakan ang baba ko.

" You're not sad?" umiling ako.

" Medyo. Pero mostly masaya..."ngumiti si Keian tsaka ako hinalikan sa noo.

" Iyon naman pala eh. Huwag ka nang umiyak. It pains me when I see you crying" pinunasan ulit nito ang luhang tumulo sa mata ko.

Sumandal  nalang ako sa dibdib nito para mapakalma ang sarili ko.

" Nagising pa tuloy kita" tinapik tapik nito ang ulo ko na parang bata.

" I'd rather make you stop crying than sleep through it. I need to take care of you Nass... and our baby" lumuhod si Keian at hinalikan yung tyan ko.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon