Chapter 20

10.5K 336 45
                                    

Nanginginig ang kamay ko at nararamdaman ko rin ang butil-butil na pawis na tumutulo mula sa noo ko. Nanghihina akong napasandal sa pader at humigpit ang hawak ko sa tatlong pregnancy test na iisa lamang ang lumabas na resulta.

My mind was preoccupied as I stared blankly at the wall. Ni hindi ko inalintana ang malalakas na katok ni Bluie sa pinto ng banyo. Tila ba nablangko ang utak ko. Libo-libong mga tanong at pangamba ang pumapasok sa aking utak.

"Rose! Ano na? Kanina ka pa riyan!" Bluie shouted impatiently followed by a loud knock on the door.

Hindi ko alam kung dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging masaya? Paano kung aaminin kong mas nangingibabaw ang takot sa dibdib sa aking puso? Paano kung aaminin kong sa mga oras na ito ay tanging disappointment lamang ang nararamdaman ko sa sarili ko?

Bakit ngayon pa?

Bakit naman ngayon pa kung ilang kembot na lang ay gra-graduate na ako?

Bakit naman ngayon pa kung kailan malapit ko ng maabot ang mga pangarap ko?

"Ano ba, Rose! Sumagot ka naman!" Paghihisterikal ni Bluie mula sa labas na sinabayan pang muli ng malakas na paghampas sa pinto.

Kumurap-kurap ako at agad na pinalis ang mga nag-uunahang luha sa aking mga mata. Kinalma ko ang sarili. At bago tuluyang lumabas ng banyo ay may isang beses ko pang muling sinulyapan ang resulta sa pregnancy test na hawak ko.

Nang ilahad ko kay Bluie ang resulta ay napatulala siya sa kawalan at parang kandilang nauupos na umupo sa kama ko. Awang ang labi niya ngunit ni isang salita ay wala akong narinig mula sa kaniya.

"D-Disappointed ka ba sa 'kin?" My voice was shaking in fear, sadness and emotions I couldn't name.

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Ang pananahimik niya ay tila ba isang gatilyo na kumalabit sa emosyong kanina ko pa pinipigilan. Napasalampak ako sa sahig at humagulhol ng iyak. Wala na akong pakialam kung magmukha man akong mahina at duwag sa harapan ni Bluie.

Matagal ako sa ganoong posisyon hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mga braso ng kaibigan kong bumalot sa aking katawan. I cried harder. Umiyak ako nang umiyak hanggang lamunin ako ng antok.

Nang magising ako kinabukasan ay naabutan ko si Bluie na pinaplantsa ang uniform na susuotin ko. May nakahanda na ring agahan at gatas sa lamesa.

"Good morning. Kain ka na," nakangiting bati niya sa akin.

Babatiin ko sana siya pabalik ngunit naramdaman ko ang pagbaliktad ng aking sikmura. Tinakpan ko ang bibig ko at agad kumaripas ng takbo papunta sa banyo. Nakasunod na naman sa akin si Bluie upang alalayaan ako.

"K-Kaya ko," saad ko at bahagya siyang itinulak palayo ngunit hindi niya ako pinakinggan.

Matapos kong sumuka ay inabutan niya ako ng tubig at panyo. Para akong isang babasaging bagay kung alagaan at asikasuhin niya.

Ganoon ang anging pagtrato niya sa akin sa mga sumunod pang araw. Kung alagaan niya ako ay para bang siya ang ama ng dinadala ko. Kung bantayan niya ako ay para bang anumang minuto ay tatakasan ko siya.

"Okay ka lang? Bakit ayaw mong kumain?" mahinahong tanong sa akin ni Luke.

Magkasama kami ngayon sa Jeboy's dahil pareho namang bakante ang oras naming ngayong hapon.

"Busog kasi ako." I gave him a small and weak smile.

Mariin siyang tumitig sa akin bago alanganing tumango. Kung ano-anong bagay ang mga tinatanong niya sa akin at tanging mga tipid na sagot lamang ang sinasagot ko.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon