Chapter 26:Hug from Him/Sleep in his arms

14.8K 795 139
                                    

HIREIN'S POV

Nagising nalang ako sa di ko malamang dahilan.Tinignan ko ang cellphone ko at alas dose palang ng hating gabi.

Tinignan ko naman yung Katabi ko pero nakatalikod sya sakin.Siguro ang amo ng mukha nya pagtulog.Napangiti nalang ako sa naisip ko at umiling.

Lumabas ako ng tent at umupo sa may troso.Tinignan ko ang cellphone ko at ang wallpaper ko at yung kaming dalawa ni Matt.

Hindi ko alam pero bigla nalang bumagsak ang luha ko.Napatakip ako ng bibig ko para pigilan ang paghagulgol.Ayokong may magising na iba ng dahil lang sa kaOA-yan ko.

Pinupunasan ko ang luha ko pero patuloy lang ito sa pagbagsak.Bakit ba kasi biglang pumasok sa isip ko si Matt?Kainis.

Naiinis ako sa sarili ko dahil napaka manhid ko para hindi ko mapansin ang pagiging cold nya.

Lumapit ako sa tent kung nasaan ang mga gamit namin.Kumuha ako ng isang Chuckie at ininom iyon.

Mga isang oras na ako dito ng may biglang....

"Okay ka lang ba?" Agad akong napahawak sa dibdib ko at Inis na nilingon si Clint.Bakit ba bigla biglang sumulpot to?

"Ano sa Tingin ko?" Mataray kong sabi sabay punas ng mga luha ko na pumatak sa pisngi ko.

Umupo sya sa katabi ko at tumitig sa apoy.

"Hindi.Hindi ka okay"sabi nya habang nakatingin parin sa apoy.

" Hindi naman pala e.Bakit mo pa tinatanong?"mataray kong sabi.

"Gusto ko kasi na sayo manggaling" seryoso nyang sabi."Bakit Gising kapa?"

"Nagising lang ako"

"Bakit ka umiiyak?"

"Wala kana don"

"Alam mo?Mas nakakagaan ng loob kung may pagsasabihan ka ng nasa loob mo"bigla nalang akong napatingin sa kanya,nakatingin sya sakin ngayon.

" Bakit mo ba to ginagawa? "Nagsisimula nang mangilid uli ang mga luha ko.

"Kasi nahihirapan kana.Sige na,sabihin mo sakin,makikinig ako" bigla nalang akong napahagulgol.

"Yung boyfriend ko na dahilan ng pag-iyak ko,sila pala ng bestfriend ko" nakita ko na nagulat pala sya pero agad din nya iyong binawi."Nung araw na ibinato ko yung cellphone ko sa harapan, nakita ko sa video na naghahalikan sila"sabi ko habang humahagulgol parin.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon