Chapter 22

14.2K 645 540
                                    

#MMIM22

"Okay! Settled na, Fort Ilocandia?" tanong ni Margaux kay Franco habang nagaayos sila para sa kasal.

Nandito kami sa bahay nina Margaux dahil nagpaplano kami kung ano ba ang mangyayari sa kasal nila. Napka-yaman pa nga ng pamilya ni Franco at nagrenta pa sila ng isang buong resort para lang sa mga guests buong week.

Tumango si Franco. "That's what you wanted, right?"

"Siyempre, kung masyadong mahal—"

"Stop worrying about the cost." Inakbayan siya ni Franco. "Stop worrying, okay?"

Ngumiti si Margaux at hinalikan si Franco sa pisngi. Yung seating chart nasa coffee table na at medyo kalat kalat pa ang ibang mga magazines na tinitignan namin kanina para sa wedding dress niya.

"Beach wedding, sunset ceremony?!" sabi ni Raffy habang tinitignan ang ibang mga magazines. "Yun din gusto ko!"

"Sorry, naunahan ka." Margaux laughed. "Atska kailan ka ba ikakasal? Mag-aaral ka pa!"

"Baka may mag-propose bigla," Raffy playfully rolled her eyes.

"Ako, gusto ko sa cliff." I chuckled. "Tapos sunset!"

"Wow!" Ngumiti si Raffy. "Alam mo, parehas kayo ni Vale ng dream wedding. Gusto rin no'n sa cliff. Sabi ko, baka gusto rin 'yon ng magiging fiance niya para maitulak siya kapag biglang nag-bago isip nung kawawang babae."

Napatigil ako nang sabihin niya 'yon, habang sila naman nina Franco ay tumatawa. I tried my best to laugh, but it was like a knife through my heart. It made me miss him even more.

"Nat, be my maid of honor!" Ngiti ni Margaux sa akin.

Umiling kaagad ako. "Si Raffy na maid of honor mo!"

"Ew! Ayoko!" ani Raffy habang kumakain ng cake.

"Oh, bato bato pik na lang!" Franco suggested.

Sinuntok naman kaagad siya ni Margaux sa dibdib. "Anong bato bato pik?!"

"Para fair!" Tumawa si Franco. "Masakit, baby."

"Oh game! Isang bagsakan," sabi ni Raffy sabay baba sa magazine. "Game, Nat!"

Nilahad niya yung kamay niya paharap kaya ginagaya ko na rin siya. Nang makita kong nag-scissors siya ay nag-rock na agad ako. Ayoko naman kunin yung moment niya bilang maid of honor ng ate niya.

"Magkaka-room na lang sila. Hanzo, Lance.."

"Akyat muna ako!" paalam ni Raffy. "Gotta go review!"

"H'wag na! Malapit na boards mo magrereview ka pa?! Irelax mo utak mo!" sigaw ni Margauz habang naglalakad paakyat si Raffy.

Tumawa lang si Raffy at tumuloy na paakyat. Huminga naman ako nang malalim nang maalang magboboards na pala si Vale. Kumusta kaya siya sa reviews niya? Madalas siya sa Church dahil madalas ay hindi available si Isaac, kaya si Vale ang palaging sinischedule.

Ako naman, tinanggihan ko na yung job offer nung Tita ni Vale sa akin, kahit na gusto ko talagang tanggapin. Ayoko namang makuha 'yon dahil lang kay Vale, o dahil ginoodshot ako ng pinsan niya.

I'll try re-applying soon.. or maybe in another magazine? Another company? Sa ngayon, hindi ko pa ata kayang tumanggap ng gano'n kalaking bagay galing sa pamilya ng lalaki na.. minahal ko.

"Yeah, pupunta rin sina Selena. Raffy already told me last week," sabi ni Margaux kay Franco habang nagsusulat. "Si Nat, maki-room na lang ba sa kanila? Nat, what do you think?"

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon