Kabanata LXVII (Larong Pampalakasan Part 1)

11.4K 650 799
                                    

- ERYX -

NANATILI lamang nakatayo sa kanyang puwesto si Eryx habang hinihintay magsimula ang kanilang laban. Panay pa rin ang lingon niya sa paligid at patuloy na hinahanap ang taong hindi niya rin alam kung bakit pilit hinahanap ng kanyang mga mata. 

"Prinsipe Caedmon! Prinsipe Zephyr! Dito sa gitna!" Malakas na sigaw ng tagapamagitan ng Azuslam dala ang isang kulay tsokolate at malambot na bola. Katamtaman lamang ang laki nito tulad ng bola ng basketball. 

Muling itinuon ni Eryx ang mga mata sa gitna upang bigyang-pansin ang kanilang laban. 

Makikita sa gitna ng colosseum si Caedmon kaharap si Zephyr at pinagigitnaan ang coach na matipuno ang pangangatawan at seryoso ang ekspresyon ng mukha. 

"Alam niyo na ang patakaran sa larong ito! Oras na mapakawalan ang bola, kinakailangan niyo itong maagaw at ipasok sa bilog na iyon!" Turo ng coach sa ring na patayo ang pagkakakabit at nakalagay sa mataas na bahagi ng pader. "Maaari ninyong gamitin ang kahit anong parte ng katawan ninyo maliban sa kamay para maipasa at maagaw ang bola maliwanag ba?!"

Hindi naman narinig ni Eryx ang kasagutan nina Zephyr at Caedmon dahil may kalayuan ang kanyang kinatatayuan ngunit alam niyang naintindihan naman ito ng mga kaibigan dahil sa marahang pagtango.

"Limang segundo na paghahanda! Pumwesto na kayo mga manlalaro! Isa!"

"Aaaaaah! Prinsipe Caedmon galingan mo! Mahal ka namin!"

"Magkapatid na Agrigent! Kayang-kaya niyo yan!!!"

Napuno ng tilian at sigawan ang buong kapaligiran bilang pag-suporta sa mga manlalaro. Nanatili lamang ang buong atensyon ni Eryx sa gitna at sinusubukang ilagay sa wisyo ang sarili kahit na pakiramdam niya ay may kulang sa kanya.

"Dalawa!"

"Prinsipe Aidan, galingan mo mahal!!"

"Ipanalo mo ito, Prinsipe Aidan! May premyo ka sa akin mamayang gabi!"

Nilingon naman ni Eryx ang gawi ni Aidan matapos marinig ang mga kataga na binibitawan ng mga kababaihan dito.  Kita naman sa mukha ni Aidan ang galak at pananabik dahil sa mga naririnig.  Nasa mga labi niya rin ang isang nakakaloko at pamatay na ngisi na talaga namang nagpapakilig sa mga kababaihan na nanonood. 

Napailing na lamang tuloy si Eryx sa ginagawa ng kaibigan ngunit bahagya na rin siyang natawa sa kakulitan nito dahilan para lalong maningkit ang kanyang mga mata.

"Tatlo!"

"Prinsipe Aspen, tigasan mo lang ang galaw! Kayang-kaya mo silang patumbahin!"

"Manalo, matalo, guwapo ka pa rin, Prinsipe Aspen!"

Sunod naman nilingon ni Eryx ang gawi ni Aspen na ngayon ay isang nahihiyang tipid na lamang ang isinusukli sa kanyang mga taga-subaybay.  Mayroon pang naghagis ng panyo sa kanya bilang pagpapakita ng suporta at natatawa na lamang na itinago ito ni Aspen. 

"Apat!"

"Prinsipe Zephyr! Prinsipe Zephyr!!! TANGAYIN MO SILA NG HANGIN MO!"

"Prinsipe Zephyr lang ang malakas! Laban, Prinsipe Zephyr!"

Mas lalo naman lumawak ang ngisi ni Zephyr dahil sa mga naririnig.  Halos nagpapalakasan na ng sigaw ang mga kababaihan na suportado si Zephyr at suportado si Caedmon.  Mukhang wala naman pakialam si Caedmon dito at nananatili lamang nakatuon sa bola habang si Zephyr ay presko lamang ang dating at hindi man lang kakikitaan ng takot o kaba. 

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon