Chapter 31:Piggy back ride/Sleep in his shoulder

13K 768 43
                                    

HIREIN'S POV

Sobrang sobrang sakit na talaga ng paa ko.Pinipilit ko talaga na maglakad ng maayos pero hindi kona kaya.Hanggang sa may nakapansin na ng paglalakad.

"Okay ka lang,prinsesa?" Tanong ni Mike dahilan para mapatingin sakin lahat.Ngumiti lang ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ni Clint.

"Kasi kanina kopa napapansin na mabagal at paika-ika maglakad si Prinsesa" sabi ni Mike.Napatingin naman sila sa akin kaya napayuko nalang ako.

Lumapit sakin si Clint.

"Anong masakit?" Agad na tanong nya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Wala namang masakit e" sabi ko sabay ngiti.Pero agad akong napangiwi ng kumirot yung hita ko pero hindi ko ipinahalata.

"Kung walang masakit sayo,maglakad ka nga" seryosong sabi ni Clint.Patay.

Naglakad na ako palayo sa kanya pero mabagal lang.

"Hindi ka ganyan maglakad, sa lakad mong yan mauunahan kapa ng pagong"seryosong sabi nya uli.Napanguso naman ako." Anong .masakit? "

"Yung paa ko" sabi ko.Sabay nguso.

"Anong nangyari?" Tanong ni Eyan.

"Hindi ko alam,basta ang alam ko bigla nalang sumakit yung mga paa at kamay ko"

"Ano!?" Sabay sabay nilang sabi.

"Kasasabi ko lang ayoko ng ulitin" sabi ko sabay nguso.

"E dapat hindi kana sumama" parang inis na sabi ni Cris.

"Hindi nga dapat ako sasama kaso pinilit nyo ko" natahimik naman sila.

"Sorry" sabay sabay nilang sabi.Nahahawa na ata sila dun sa apat.

Ngumiti naman ako sa kanila. "Nahh,it's okay"

"Pero kasalanan namin" sabi ni JinJin na parang maiiyak na.

"Wala kayong Kasalanan.Nasa camping palang tayo masakit na ang paa ko" sabi ko agad naman na nanlaki ang mata nila.

"Ano!?"

"Kasasabi ko lang,ayoko ng ulitin"

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon