Chapter 23

14.7K 564 852
                                    

#MMIM23

"Okay, everything's all set na?" tanong ni Margaux sa designer.

"Yup! Your sister's just trying on her gown para makita na sakto talaga," anang designer sa kanya.

"Ngayon ka pa lang magfifit?!" tanong ni Margaux kay Raffy na nasa loob ng dressing room.

"Eto na nga! Okay na!" she said while fixing her top. "Tara na!"

Inayos ko ang hawak ko sa bridesmaid gown ko dahil uuwi pa ako bago ako pumuntang Ilocos. Sasabay sana ako kay Lance kaso nauna na sila ni Franco dahil may aayusin pa daw sa Ilocos. Si Margaux naman, sasabay sa pamilya niya.

Magbubus na lang ata ako patungo ng Ilocos kasi marami rin sina Margaux sa van. Dapat talaga kinuha ko na lisensya ko last month!

"Hey, paano ka pala?" tanong ni Margaux. "Nauna kasi si Lance sa Ilocos! I thought you guys were going together."

"Partas na lang ako," I said while trying to hail a cab.

"Huh?! Magbu-bus ka?" tanong ni Raffy sabay baba sa kamay ko. "Wait, papunta na si Vale dito para kunin 'tong mga gown. Sabay na lang kayo! Sakto, wala siyang kasama."

Napalunok agad ako. "Hindi na! Sayang pa sa gas, kukunin ko pa mga bagahe ko sa bahay."

"Edi sayang sa pera!" ani Margaux. "Sabay na kayo! Close naman kayo, e. Bakit nga ba hindi kayo sabay ngayon?"

Umiwas ako ng tingin at inayos nanaman ang hawak ko. Bago pa ako makasagot ay narinig na namin ang busina sa Ford Ranger ni Vale.

"Oh, ayan na pala, eh!" sabi ni Raffy. "Vale, sabay kayo ni Nat pa-Ilocos, ha!"

Kumurap si Vale. "Sige. Pero may pupuntahan ako after ko i-drop off yung mga gown. Baka hindi ako makapunta sa rehearsal dinner."

"Ano?!" sigaw ni Margaux. "Hoy! H'wag kang malelate sa kasal ko, ha! Sasabunutan talaga kita!"

"Hindi ako malelate sa kainan!" Vale smiled.

Tumawa naman si Raffy habang naglalakad siya patungo kay Fanny, yung sasakyan nila. Sa pagkaka-alam ko, hindi naman nila dadalhin yung sasakyan dahil van ang gagamitin nila papunta doon.

"Oh, pasok ka na!" Tulak sa akin ni Margaux. "See you tonight!"

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob ng sasakyan ni Vale. It's been months since we've spoken. Months since I've been inside this car.

Sa pagkaka-alam ko, top notcher silang dalawa ni Raffy sa boards nila at nagrereview siya para sa kanyang NMAT. Gusto ko tanungin kung bakit, pero pinipigilan ko na lang ang sarili kong makipagusap sa kanya.

Bakit hindi niya sundan pangarap niya? Bakit niya pa pinagpapatuloy yung med? Eh sinabi niya na nga noon na passion niya ang music.

Noon 'yon. Iba na ngayon. My own voice said to myself. Oo nga naman. Noon nga, kaya niya pang sabihin na hindi siya aalis. Na masaya siya. Iba na ngayon.

"Uh.." I looked outside to make sure Raffy's car isn't there anymore. "Pwede naman ako mag-bus. Dadaan pa kasi ako sa bahay para kunin mga damit ko."

"Pwede naman natin daanan," he said, already driving. "Suello, tapos diretso na tayong Naguilian para makabyahe papuntang Ilocos."

I slowly nodded while avoiding eye contact. Alam kong nakatingin lang naman siya sa daan pero ayoko pa rin siya tignan.

Five hours. Just five hours.

You can handle five hours, Natalia.

Pagkarating namin sa bahay ay pumasok na ako kaagad sa loob para kunin yung maleta kong nasa sala. As I held on the door knob, napabuntong hininga ako. Ayoko na sana siyang makasama pa. Kahit ilang buwan naman na ang naka-lipas, masakit pa rin.

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon