Chapter 8: The student athlete

6.6K 310 91
                                    


CHAPTER EIGHT

The student athlete


"'WAG mo kasi akong bitawan!" irita kong reklamo kay Bell dahil muntik na akong matumba.

Masama niya akong tiningnan saka niya binigay bigla ang kamay ko kay Dr. Andy.

"This was supposed to be your job, Doc. Don't you think I'm overworking myself yet I'm not getting paid?" he complained, rolling his eyes.

I scoffed when he said that. He's really full of himself!

"To be honest, your crutches are a real pain in the ass. It's with you the whole day and you're with me the whole day. I really don't want to walk around the campus with a girl in crutches anymore. I'm a varsity and you're ruining my reputation. You have to walk without those crutches, love. Or I'm going to carry you around the campus the whole day. You choose."

I settled my gaze on his annoying face.

"Pakialam ko naman sa reputasyon mo? My God, Bell. Just shut up already!"

We were arguing every day for a month already.

Yes, I was with him all the time dahil siya lang ang talagang kakilala ko sa klase. Kahit hindi ko naman talaga siya gaanong kilala, siya na 'yong closest friend ko rito dahil galing kami pareho sa Belle Ville.

Nagrereklamo siya palagi dahil wala na siyang time makipag-date sa mga babae niya. Palagi raw kasi akong nagpapasama sa kan'ya. Aba, bandang huli naging kasalanan ko pa. Kaya ipakilala ko naman daw siya sa mga kaibigan ko. Hello? Siya lang lagi kong kausap sa klase at si Dithri lang naman ang kaibigan ko dito sa Vera. At ayaw ko siyang ipakilala kay Dith dahil siguradong uuwing luhaan 'yon. Dith is too good for someone like Bell.

Nauubos na nga pasensya ni Bell sa 'kin dahil sobrang bagal ng progress ko sa rehab kasi pinapanungahan ako ng takot. Pakiramdam ko tutumba ako pag hindi ko gamit 'yong saklay ko kahit my knee brace ako.

At dahil basura 'yong ugali ni Bell, palagi niyang sinasabi sa 'kin "Hindi ka lumpo. 'Wag kang maarte."

After my today's session, sobrang tuwa ko kasi nakakalakad na 'ko with just one crutch.

Hindi na dalawang crutches ang gagamitin ko dahil kaya ko na lumakad kahit isa lang ang gamitin ko, and that's actually a good progress.

"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ni Bell nang makita niya kung gaano karaming pagkain ang in-order ko.

"Napagod ako sa session, okay?"

"Ano'ng nakakapagod do'n? You just stood there all day trying to walk with one crutch." He spat.

I started eating my burger and took a fast bite on my pizza.

"Here. Baka kulang pa sa 'yo," umiiling na sabi ni Bell sabay lapag ng fries niya sa plate ko.

"Great. Thanks." I flashed the best smile I could muster, ignoring how glutton he thinks I am. Well, sobrang obvious naman sa kung paano niya 'ko tingnan.

"I'm no longer an athlete, so I have the right to eat whatever the hell I want," I said, defending myself.

"You're still an athlete, Keen. You're just . . . taking a break," he corrected, shrugging nonchalantly. "By the way, you're still ignoring your little minion? I haven't seen him since you shut him out."

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon