Chapter 22

9.8K 338 124
                                    

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito? Titigil ka muna sa pag-aaral mo?" mahinahon ngunit bakas ang panghihinayang sa boses ni Sir Condino, isa sa mga mababait kong Professors.

"Opo, eh. Maging ako'y nanghihinayang din po pero mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ng baby ko." Hinimas ko ang aking tiyan. Hindi pa naman masyadong halata ang baby bump ngunit kailangan kong maging maingat.

Knowing my course, sobrang stressful nito at ayaw ko namang ipagpilitan na makapagtapos kung ang magiging kapalit man noon ay kaligtasan ng anak ko.

"Babalik naman po ako sa pag-aaral kapag okay na lahat, Sir. Kaya chill ka lang diyan! Huwag mong ipahalata sa akin na mamimiss mo 'ko." I laughed.

He wrinkled his nose, disgusted with what I said. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay na para bang itinataboy ako. "Oh siya! Umalis ka na nga!"

"Basta kukunin kitang Ninong nitong anak ko, ah!"

"Gaga, ninang dapat!" pabalang na asik niya at inirapan ako.

Tatawa-tawa akong lumabas ng faculty room. Inilibot ko ang paningin ko sa corridor upang hanapin si Luke. Ang sabi niya kasi ay maaga raw matatapos ang klase niya kaya susunduin niya 'ko at pupunta kami sa OB-Gyne ko dahil mayroon akong schedule ng check-up ngayon.

"Nasaan na ba iyong lalaki na 'yon?" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon at nagtipa ng mensahe para sa kaniya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto sa kaniya dahil baka naman nag-overtime lang ang kaniyang Prof pero lumipas pa ang mga sandali ay napagtanto kong mag-iisang oras na pala akong nakatanga. Namumuti na ang mga aking mga mata sa sobrang inip na sinabayan pa ng pangangalay ng paa kaya nagdesisyon muna akong umupo sa hagdan.

I checked my phone again. Napabuntonghininga ako nang wala pa rin akong nakuhang mensahe mula sa kaniya. Tumayo na ako at akmang ihahakbang na ang mga paa paalis nang matanaw ko si Damian na tumatakbo papalapit sa akin.

My forehead knotted.

Humahangos itong tumigil sa harapan ko at itinungkod ang mga kamay sa kaniyang tuhod.

"Sorry, ngayon lang ako. Marami kasi akong ginagawa kanina at hindi kaagad ako nakaalis sa presinto–"

"Teka lang, teka lang!" Pigil ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong.

Gulong gulo ako. Bakit siya ang narito? Eh, hindi naman siya ang hinihintay at inaasahan kong dumating? I was waiting for Luke, not Damian.

Bahagya siyang natawa at umiling. Umayos siya ng tayo, may maliit na ngiti pa rin sa labi.

"Sinusundo ka?" patanong niyang sagot kaya mas lalo akong naguluhan.

I was about to say something but he cut me off. "Hindi ba sa iyo sinabi ni Luke na hindi ka na niya masusundo?"

Umiling ako at nagtiim bagang naman siyang tumango.

He heaved a deep sigh. "Nagtext siya kanina sa akin, ah. Ang sabi niya, ako na raw muna ang bahala sa iyo dahil nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Tumaas daw ang presyon ng Mommy niya kaya nagmamadali siyang umuwi kanina. Akala ko naman alam mo na."

Mayroong sumakal sa aking dibdib at tila ba mayroong bumara sa aking lalamunan. Hindi ko na alam ang isasagot ko kaya naman pinilit ko na lamang ngumiti at tumango sa lalaking nasa harapan ko.

Ang plastic ko naman kung sasabihin kong okay lang ako at hindi ako disappointed. Malinaw sa usapan naming dalawa na susunduin at sasamahan niya ako sa check-up ko ngayon. He was the one who insisted it. Siya ang nagpumilit at hindi ako.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon