Chapter 38

19K 1K 221
                                    

Alliston

"Ayoko nga."

Tiningnan ako ni Cray na nakahawak sa kamay ko.

"Inimbita naman kita. Bakit ayaw mo papasok? Madami pagkain don."

Tumingin ako ulit sa direksyon ng malawak na lawn ng orphanage ni Grant. Napakaingay ng mga nagtatawanang bata. Tuwang tuwa habang nanonood ng mga magic tricks ng clown habang kumakain. Nagpahanda kasi si Louella para sa late celebration ng birthday ni Cray sa mismong orphanage kasabay ng pagkuha namin dito.

This will be the last time that Cray will be spending a night in here. Isasama na namin sya sa unit na binili ko na kay Railey. Bukod pa sa nagpapagawa na din ng bahay namin si Lou. Siguro tinablan din sa sinabi ko na ang lakas ng loob magyaya ng kasal tapos wala namang bahay. Kaya ayun, kinausap agad sina Grant. Grant asked Alice kung pwede nitong ipagbili kay Louella yung bakanteng lote sa tabi ng bahay nila ni Railey. Alice agreed without thinking that much. As long as hindi daw si Hariette at Candice yung titira sa tabi ng bahay nila.

On the other hand, Louella and I are not yet married. This weekend ay pupunta pa lang kaming tatlo nila Cray at Louella sa Australia para kausapin yung parents ko tungkol sa mga plano ko.

But I am pretty sure that they'll be against me, marrying Louella and legally adopting Cray. But nevertheless, they'll be both a Parker soon. With or without my parent's approval. I'll be just informing them because Lou asked me to.

Although ayaw talaga pumayag ni Pooper na maging Parker. Mas maganda daw talaga yung last name nito. Papayag lang daw itong maging Louella Calvry-Parker kung gagamitin ko din yung last name nya.

Alliston Parker-Calvry. Sounds terrible. Really.

Nung tinanong naman namin si Cray kung anong mas gusto nya, ang sabi nya ay mas gusto nya daw maging Calvry. Mas malapit pa din kasi ito sa Ate L daw nito.

"Halika na. Ang arte mo naman." Sumimangot na talaga si Cray. "Paano tayo mabubusog kung dito lang tayo? Ano, nonood lang natin sila kumain?"

Ako naman ay napangiwi. Itinuro ko pa yung dami ng mga bata doon.

"Ayoko nga. Ang daming tao o!"

Sinilip din iyon ni Cray at saka nameywang sa harap ko. "Malamang pagkain. Madami tao."

"Mamaya na ko pupunta doon pag wala ng tao." Sabi ko na lang para tumigil na ito. Hinahanap na din ng mga mata ko si Louella. Kanina pa sya nawawala talaga. Sinamahan lang nito kanina si Grant at may aayusin daw e. Pero hanggang ngayon di pa din bumabalik.

"Mauubos lang ang tao don pag wala na din pagkain. Bahala ka. Magugutom ka."

Bahagya naman akong natawa ng marinig ko iyon mula dito. That's actually true. Lalo na sa mga bata na napapalapit lang pag may narinig na pagkain.

"It's okay. Di naman ako nagugutom."

"Ako nagugutom na. Gusto ko ng itlog na may tinapay."

"Baka tinapay na may itlog?" Tawang tawang sabi ko. Inayos ko din yung buhok nito na nagulo na naman.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang ayos ayos naman nito kaninang umaga. Tapos ngayon ay mukhang nakipagdigma na naman ito sa ayos nito ngayon. Gulo gulo ang buhok at pawisan na naman. Ganyan ba talaga kadungis ang mga bata? Parang di naman ako ganyan nung bata ako.

"Itlog na may tinapay. Mas madami yung itlog sa tinapay kaya itlog na may tinapay."

Umiling iling pa ito na para bang nabobobohan na naman sakin. Minsan ang sarap din talaga sakalin nitong batang ito.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon