TRISTAN'S POV
"Saan ka galing?" mahinahon kong pagtatanong sa kanya na nakaupo lang sa sala.
" Pumunta ako sa location ng shooting niyo, sabi nong boss mo umuwi ka daw? Masaba ba pakiramdam mo?" muling pagtatanong ko sa kanya.
Pero nakaupo parin siya,hawak hawak ang buhok, nakayuko.
"Andrea?Huuuy" muling pagtawag pansin ko sa kanya.
Pinagtimpla ko siya ng favorite tea niya at umupo sa tabi niya.
" Favorite mong tea o', kausapin mo naman ako anong kasalanan ko?" ani ko sa kanya sabay haplos sa likod niya na kaagad niyang kinabig na siyang kinabigla ko.
" Andrea?Anong bang problema mo? Pwede bang magsalita ka naman " ani ko sa kanya dahil wala na din akong naiintindihan sa kinikilos niya.
Hindi ko alam kong sinasadya niya o talagang bingi na siya.
" Andrea! Hindi ako hangin dito, tao ako, can you just speak up kung galit ka o may sama ka ng loob sakin magsabi ka hindi ako manghuhula!" bulalas ko sa kanya.
" Tristan pleasee---" ani niya sa ngarag na boses.
"Please what Andrea?" pag-aalalang sambit ko sa kanya
" Please leave me alone muna, gusto kong mapag-isa" ani niya.
Agad akong napatitig sa kanya, ito ang paulit ulit na sakit na nararamdaman ko, binabalewala.
" Andrea nandito ako para mapagsabihan ng kung ano mang problema mo, bakit paulit ulit mo akong pinapalayo sa twing kailangan mo ng kausap?" bulalas ko sa kanya
Napayuko ako at napabuntong bago makapagsalita.
" Isa lang naman ang gusto ko, isa lang yung gusto kong maramdaman biglang boyfriend mo na sana kahit minsan maramdaman ko man lang, kahit minsan, kahit sandali, kahit isang segundo Andrea, iparamdam mo naman sakin na kailangan mo ako"
" Na ako yung kailangan mo sa twing malungkot ka, na ako ang kailangan mo kapag natatakot ka. Gusto ko lang maramdaman---galing sayo na importante ako " ani ko habang pilit na pinipigilan ang pagluha ko.
Ayaw mong magmuka akong nanlilimos ng importansya sa taong mahal ko pa. Pero hindi pa ba ako sanay? Alam ko naman simula't sapol.
" Tristan,boyfriend kita--"
"Pero I dont need you--- I just need myself"
Hindi na ako sumagot at dahan dahan nalang tumayo. Kinuha ang coat ko at naglalakad palabas ng apartment niya.
Nakakapagod din pala ipagsiksikan ang sarili.
Ilang malalalim na hininga ang kumukawala sakin. Dire diretso akong naglalakad at di na lumingon sa kanya.
At ng marating ko ang pinto ilang minuto akong natigilan.
Mahal na mahal ko siya.
And I am willing na paulit ulit akong masaktan, paulit ulit niyang saktan.
" I love you, and if loving you means hurting myself. I'd rather choose to hurt myself than giving you up---"
" Nandito lang ako---palagi, kahit hindi mo ako kailangan basta nandito lang ako. Always remember that ---hon" nauutal na sambit ko matapos ay binuksan ang pinto at tuluyan ng umalis at bumaba papunta sa kotse ko.
Dali dali akong nagmaneho papunta sa bahay to talk to my mom who knows well how to comfort me.
Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko.
Pagkarating ko sa bahay dali dali kong pinark ang kotse at agad na dumiretso sa kwarto ng mommy ko.
" Oh? Akala ko mamaya ka pa uuwi? Diba sabi mo may date kayo ni Andrea?" bungad na tanong niya sa akin ng nagdire diretso akong pumasok sa kwarto niya.
"Is there something wrong Tristan?" muling pagtatanong ni Mommy.
Sinubsub ko ang muka ko sa kama nila ni Daddy at hinayaang lamunin ako ng sakit na nararamdaman ko.
Hinahaplos ni mommy ang likod ko, marahil ay napansin niyang umiiyak ako.
"You're being childish, Tristan. Youre not supposed to cry kapag tinatanong ka kung anong nangyare" ani ni Mommy kaya bumalikwas ako at hinarap siya.
" Mommy pano ba ihandle yung pakiramdam na yung taong kailangan mo hindi ka kailangan?" Dire diretso kong tanong sa kanya, my mom just stares at me na parang nakakaawa ako.
And talaga namang nakakaawa ako, nanglilimos ng pagmamahal.
" Bilang mommy mo, sasabihin ko sayo na hiwalayan mo na pero may magagawa ba ako? I can still see in your eyes na kahit sinasaktan ka niya mahal mo parin siya"
Napatango nalang ako. Kasi tama naman siya paulit ulit akong nasasaktan pero paulit ulit ko rin siyang minamahal.
Tanga ko diba?
" Anak kapag hindi na kaya, bitawan mo na. Its easier to let go than holding on. " ani ni Mommy sakin.
" But I can't do that mom, I love Andrea--- so much"
" Anak, letting go doesn't always mean that you dont love her anymore. Its the greatest form of love---"
" When you are capable to let go of someone you love, then you're more capable of loving someone"
And that right moment parang hindi na ako yung nasasaktan. Kitang kita ng dalawang mata ko ang pagpatak ng luha ng mommy ko.
Dali dali ko syang niyakap.
" Bakit di mo kayang ilet go si Daddy knowing na may iba na siya?" mahinahon kong tanong habang yakap yakap siya.Hindi siya nakasagot sa tanong ko
" Bakit hindi mo magawang magalit kay Daddy kahit paulit ulit ka na niyang sinasaktan?" muling pagtatanong ko sa kanya.
Kumalas ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya.
" Bakit mommy? Ilang taon ka ng umiiyak ng patago dahil kay Daddy"
Hinaplos niya ang muka ko at kaagad na pinunasan ang luha niya.
" Because I love you and Liam, ayokong maramdaman niyo yung naramdaman ko ---"
" Ayokong maramdaman niyo na may mali sa inyo, na may kulang sa inyo, mas pipiliin kong masaktan mabuo lang ang pamilyang to"
" But mom---"
" Anak, it's my choice, and suffering from the decisions I made is my consequence and I am willing to suffer for you and Liam's sake"
Grabe, all along akala ko it's her love for dad kaya niya kinukonsenti ang mga ginagawa ng Daddy.
But I was wrong, it was all about us kaya paulit ulit na nasasaktan si Mommy.
" Mommy hanggang kailan mo susubukang buoin ang pamilyang matagal ng watak,hanggang kailan mo sasaktan ang sarili mo . We dont deserve to have a broken family but you dont even deserve to suffer mom"
" No, anak malayo na yung nilaban ko ngayong ko pa ba susukuan ang pamilyang to? Para saan yung ilang taong pakikipaglaban ko kung sa dulo susukuan ko at magkakawatak watak tayo?"
" Mom---"
Hindi ko na natapos ang sasabihini ko ng biglang niyakap niya ako ng subrang mahigpit.
" Anak okay lang ako, I am okay"
YOU ARE READING
US 사랑의 숨겨진 기억
FanfictionWhat can you give in the name of love? Can you give up everything for love? Will you fight or just give up? Ma. Andrea Kang, Chris Jin Ko, Tristan Lee, and Stephanie Tan. Four people with different perspectives on what true love really means. As th...
