ᜀᜅ᜴ᜀᜃᜒᜅ᜴ᜆᜓᜎ

31.1K 476 2
                                    

ᜐᜆᜋᜅ᜴ ᜉᜈᜑᜓ︀ᜈ᜴
by: ms. demon♡

Sa tamang panahon
Muli tayong magtatagpo
Magkabilang mundo'y magkakaroon
Nang biglaang pagtatagpo

Muli nating bubuksan
Ang pahina ng aklat na
Minsan na nating isinara
Ating muling pagbukludin
Ang mga kahapong nais nating limutin

Naghihintay bawat sandali
Dahil alam kong hindi madali
Ngunit ako'y hindi mapakali
Yayakaping mga nakaran at mga nais
Ngunit, pag-ibig ay salaming kawangis
Nabubuo ng luha't pagtitiis

Sa sinag ng buwa'y
Nagtagpong damdamin
Larawang pininta sa lalim ng dilim
Walang naririnig, nakitang paningin
Dalawang mundong sumasayaw ng lihim

Hayaang mga tala ay sumayaw
Bawat bituin ay susungkitin
Mabiyayaan lamang ng iyong ngiti
Kalawakan ay sumasang ayon
Hayaang oras ang magbuklod sa atin

Muling pagkikita ng
Buwan at araw ay nakatakda
Muling maisislayan ang taglay na ganda
Mga bituin at kalawakan
Ay sasaya

Samahan mo akong sumayaw
Dadalhin kita sa mundong
Tayo lamang ang may alam
Panatilihing sikreto
Hanggang ang lahat ay sa atin umayon

Bukang liwayway ay nalalapit na
Hawakan ang aking kamay
At sabay nating salubungin
Si Haring araw

Panandaliang sakit at puot
Ay hayaan, kapalit nito
Ang walang hanggang kasiyahan

Sabay nating lakbayin
Ang mundong walang kasiguraduhan
Huwag mong bitawan ang
Kamay ko, tahanan

Pagod ko'y hindi dama
'Pag ikaw ang kasama, sapagkat
Ikaw ang nagsisilbing pahinga
At tahanan

Ako'y susulong
Haharap sa isang bagong pagkakataon
Mananatiling malakas
Haharapin ang bagong bukas
Hindi na 'ko lilingon
Mababakas ko lang muli
Ang kirot ng kahapon
Sasabayan ko na lang
Ang isang umaga na
Malakas at puno ng pag-asa

Hanggang sa ikaw ay makasalubong
Ang bubuo sa akin
Sa hinaharap kong panahon
Ang magiging lakas ko
Sa lahat ng hamon
Ang kasabay ko sa paglakad ng pasulong,

Ang magiging kaagapay ko
Sa tamang panahon
Ang pag-ibig mo na sa 'akin mag-aaahon
Sa durog kung puso na dulot ng noon

Maaaring si tadhana sa akin ay umayon
Ang matagpuan ka para sa akin
Ay hudyat ng paghilom
Sa mga sugat na dulot
Ng aking kahapon...

Ikaw ang araw at buwan
Ako ang kalawakang binibigyan mo
Ng liwanag mula umaga hanggang gabi
Ngunit nais kong
Maging bituin sa kalangitan
Kasama ka, upang tayo ay
Hindi na muling malalayo pa
Pumatak man ang ulan
O kumapal man ang ulap

Ikaw ang huling laban
Na nais kong ipanalo

Pangakong hindi mapapagal
Oras man ay hadlang sa pagkakataon
Baon ko'y katapatan san man paroroon Maghihintay ng bukas, buwan, at taon
Lumisan man ang araw at buwan
Muli tayong magtatagpo
Sa ilalim ng kalawakan

_____
Follow me on
Twitter: @callmemsdemon

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon