Chapter Thirty-Seven

261K 8.3K 4K
                                    

Ngayon ko lang naramdaman na tila may malaking bagay na nawala sa pagkatao ko, pakiramdam ko kulang na ako, pakiramdam ko hindi na ako buo, pakiramdam ko may malaking parte sa puso ko na nawala.

Hindi ko alam kung gaano na katagal akong nakatulala at hinihintay ang sarili ko na magising sa masamang panaginip na 'to. Pakiramdam ko nasa loob pa rin ako nang masamang panaginip, at gusto ko ng magising. Gustong gusto ko ng magising upang puntahan si Arken at sumama sa kanya.

"Ayen, please, get back to your senses. He's gone, crying won't change anything, it won't bring him back to life."

Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, tiningan ko nang masama si Vaughn. Ngayon ko lang yata naramdaman na gusto ko siyang bulyawan at saktan, alam kong wala siyang kasalanan sa nangyari, pero naiinis ako sa kanya ngayon.

"A-ano'ng nangyari? B-bakit namatay si Arken? S-sino'ng pumatay sa kanya? Sabihin mo sa 'kin, Vaughn!"

Hanggang ngayon ay may mapait na dumadaloy sa lalamunan ko, hindi matanggap ng sistema ko na wala na si Arken. Ang bigat bigat pa rin sa dibdib, pakiramdam ko may malaking nawala sa pagkatao ko.

"We were kidnapped, kalaban namin sa pulitika, dapat ako ang unang babarilin, but Arken insisted, he said that he's the one who must be killed first. It was weird, but it seems like he didn't want me to die, he tried to bought time for me not to be killed by them. I don't want to admit it, but if he didn't do that, ako sana ang namatay at hindi siya. Humiling lang siya na mag-iwan ng text message sa tauhan niya for the last time. After that, they shoot him."

Bakit iniligtas ni Arken si Vaughn? Bakit niya hinayaang mabaril siya? Bakit hindi na lang siya nag-ubos ng oras hanggang sa dumating ang mga tauhan niya?

Napahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng damit ko, nandoon pa ang mantsa ng dugo ni Arken. Naaalala ko na naman kung paano tuluyang pumikit ang mga mata niya, kung paano niya binitiwan ang kamay ko... Ayokong tanggapin na wala na siya, hindi kayang tanggapin ng puso ko na wala na siya.

"Ayen, did I hear you right earlier? Do you really love him? You don't love him, right? You're just carried away because he's dying in your arms, right?" tanong niya saka hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko na lang siya sinagot, wala akong lakas na makipagtalo o magpaliwanag sa kanya. Halo halo na ang lahat sa isip ko, naguguluhan na ako sa nangyayari at tila isang masamang panaginip pa rin ang lahat.

"G-gusto ko munang magpahinga, Vaughn."

Hindi ko na hinintay na makasagot siya at tila walang lakas na tinalikuran siya saka agad na nagtungo sa silid ko.

Kahit may bahid pa ng dugo ni Arken ang damit ko at mga kamay ko, basta na lang akong humiga sa kama at yumakap ng unan. Napakagat ako sa ibabang labi ko kasabay ng pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

Gusto kong malaman kung kumusta na si Arken, kung ligtas ba siya...kung buhay pa siya. Gustong gusto kong malaman ngunit wala akong magawa. Gustong gusto ko na siyang makita, ngunit wala akong lakas.

Hinayaan ko na lang ang mga luha na dumaloy sa magkabilang pisngi ko, napahagulgol ako ng iyak at yumakap nang mahigpit sa unan na nabahiran na rin ng dugo.

Hindi ko kakayanin ko kapag nawala si Arken, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa 'kin nang tuluyan.

"Mama."

Natigilan ako at napatingin kay Vander na nasa pinto habang nakatingin sa 'kin. Namumula ang pisngi at mga mata niya, lumuluha siya habang nakatingin sa 'kin.

"I heard it wrong, he's not dead, right? He can't be... S-sabi niya po sa 'kin na papakasalan ka pa niya, sabi niya magiging buong pamilya tayo."

Patuloy sa pagluha si Vander habang nakatayo sa may pintuan, pilit niyang pinapahid ang mga luhang hindi niya makontrol mula sa pag-alpas sa mga mata niya... Ngayon ko lang nakita na umiyak nang ganitong ka-tindi si Vander, parang dinudurog ang puso ko.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon