Chapter 39

22.1K 1K 181
                                    

Louella

Mainit ang ulo ko matapos makipag-usap kay Grant kanina. Minsan talaga gusto ko na lang din saktan ng pisikal ito para magtigil sa mga pinaggagagawa nito.

Why not?

I've heard the news that Kyeroh Montecillo got into a car accident just last night. And it won't take a genius to figure it out na hindi iyon basta aksidente lang. The poor guy is now in a comatose. Nung nagpadala ako ng tao para icheck yung kalagayan nito ngayon, it was confirmed that he might not be able to make it back to his normal life kahit pa magising ito. Paralisado na yung lower body nito matapos madurog yung buto nito sa tuhod. Bukod pa doon, ay tinamaan din ng libo-libong bubog ng salamin yung mata nito, causing him to lose his sight. Ang masaklap pa ay baka nga hindi pa ito mabuhay. Grabe yung damage na nangyari dito matapos magitgit ng dalawang rumaragasang delivery truck yung sasakyan nito.

Like a perfect clean mess. Brutal. Undeniably Grant's art of work.

Ang kakatwa pa ay hindi man lang nito iyon dineny nung tinanong ko. She just simply answered that it was her wedding gift to us ni Alliston. As if I wished for her to kill him. I just want him to be impotent for life. Not like this.

An unwanted gift indeed. I maybe ruthless. But I am not into those stuffs.

"Pooper?"

Masungit na nilingon ko si Alliston. Kanina pa ito nangungulit. Kaya nga mas pinili ko na mag volunteer na mag-ayos at magligpit ng kwarto ni Cray. Wala talaga ako sa mood makipag-usap ngayon. Nakukunsensya ako sa ginawa ni Grant.

C'mon, Lou. That guy deserves it. Remember what he did to Alliston? He is even deserving to die. What a light punishment for him.

"What?"

Napasunod ako dito nang nagdadabog na lumabas ito ng kwarto. Itinuro nito si Cray na nakatulog na sa sofa. Iniwan ko nga pala ito doon kanina dahil inaayos ko pa yung kwarto nito. Si Alliston naman ay nasa kusina dahil nagpreprepare ito ng request ni Cray na itlog na may tinapay daw. Mukhang may kasunduan pa ang mga ito.

"Nakatulog na si Cray. Di mo man lang hinilamusan at pinalitan ng damit." Reklamo pa ni Alli. "Sa susunod wag kang mag-aanak kung di ka marunong mag-alaga. Nakakastress ka."

"Inayos ko yung bedroom nya. Bakit di ikaw yung nag asikaso sa kanya?"

Lumapit ako sa sofa para buhatin si Cray. Kaya naman nito yung bata. Bakit hindi pa nito binuhat?

"Nagpreprepare ako ng food. Bakit ba kasi ang tagal mo magpalit ng bedsheets?"

Hindi umiimik na tinungo ko yung kwarto ni Cray at nilapag ito sa malambot na kama na personal na pinili namin ni Alli para dito.

Matapos mapalitan ito ng damit at maayos yung kumot nito ay magkasunod kaming lumabas ng kwarto nito ni Alliston.

Nakasunod lang sakin si Alli na para bang inaantay ako na magsalita. Siguro dama din nito na mainit ang ulo ko at wala ako sa mood makipag usap.

"Coffee?"

"Yes, please."

Tumango lang ito. Ako naman ay naupo sa sofa sa sala. There are a lot of scenarios that are running inside my mind. Everything are starting to fall down on me.

I got no job. I got no company nor properties to call mine. Aside from those investments I've made behind my parent's back. Tapos napapaisip pa ako sa sinabi ni Grant na imposibleng magustuhan ng parents ni Alli si Cray. Though Grant is quite positive na magiging maayos kaming dalawa ni Alli kung wala sa picture si Cray.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon