24. Sick Angel

133K 3.2K 345
                                    

Gising na ang diwa ni Angela, pero hindi sya nagmulat kaagad ng mata.

Alam nyang nasa hospital sya. Amoy pa lang alam na alam nya na.

Ngayon pa lang gusto nya nang lumabas.

"Guys huwag kayong maingay baka magising si Angela. Sabi ni Doc she need a complete rest mga 3 days diba." Narinig nyang sabi ni Maelyn.

"Of course ateng narinig namin magkakasama kaya tayo kanina." Si Carlos.

"Eh bat ang iingay nyo?"

"Excited lang kami Mae." Si Daniella.

"Oo nga tiyak na matutuwa sya sa ibabalita natin." Si Julia.

"Yeah. Pero kailangan din nating magpasalamat sa kanya. She danced kahit may injury sya. She danced in pain. Para sa atin... for us." Narinig nyang sabi ni Clent na nakaupo sa gilid ng kama sa bandang kanan.

"Oo nga ni hindi man lang natin napansin na may lagnat at injury sya sa ribs." Jake.

"Ganyan si Gela for her friends kahit may iniinda sya gagawin nya. Swerte kayo itinuturing nya kayong kaibigan." Boses naman ni Gelo ang narinig nya.

"Hindi pa nga kami makapaniwala na naging kaibigan namin sya. Look at us mga Nerd lang kami na laging binu bully just an average at para kay Reina ay nobody. Samantalang sya maganda anak mayaman, above average kung approachable lang sya malamang lahat gustong maging kaibigan sya. Aloof pa nga sya nyan eh." Si Maelyn.

"Don't say that. Ayaw nyang nakakarinig na dini discriminate nyo ang sarili nyo. Especially if you are her friends, sabi nga nya..."

(=_=) Ginaya pa talaga ni Gelo ang boses nya.

"Kung mababa ang tingin mo sa sarili mo, mas mababa ang taong nakikipagkaibigan sayo. At dahil I want you to be my friend at isa akong makasariling tao, ayaw kong bumagsak, so you better pull yourself up. Dahil kung hindi mo gagawin iyon ako ang magtutulak sayo pataas and you don't want me to do that because believe me pag ako ang tutulak,it will hurt a lot."

"Scary parang nanakot lang ang peg ni ateng."

Tumawa si Gelo.

"Pero effective look at me now. I'm a better person now than before."

Kahit di nya nakikita sure syang sabay sabay na naglakihan ang mga mata ng mga ito sa sinabi ni Gelo.

"Ang ibig mong sabihin katulad ka rin naming Nerd dati?" Malakas na tanong ni Daniella.

"Yeah isang mataba at lampang nerd na laging pinagkakatuwaan sa school."

"Weeeeh." Si Carla.

"Oo nga." May dinukot si Gelo sa bulsa." Look at these."

Ipinakita ng mga ito ang isang group picture.

It's a photo of a 6 nerd boys na pawang may mga salamin, 2 ay payat at 3 ay matataba.

Kinuha iyon sa isang soccer field. Nakatayo ang mga ito sa tabi ng net.

Pareparehong may mga sugat at pasa sa katawan.

Sa gitna ng mga ito ay si Angela na may hawak na bola.

A small smile is visible in her face.

"Oh My God! Ikaw iyong pinakamataba Gelo."

Tumango naman si Gelo.

"Grabe kahit mataba ka papable ka parin." Sabi ni Carlos na nakatitig sa picture." In fairness ang gwagwapo nyo."

"Anong mataba si Gelo." Tinig iyon ni Quincy na nasa may pinto.

Kasama nito si Dylan at Brena.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon