25. Sick Angel 2

131K 3K 559
                                    

"Dylan, inom ka muna." Masayang binaba ni Brena sa harapan nya ang juice.

Isang pilit na ngiti ang binigay niya rito.

Nasa bahay sya ng grandparents ni Brena.

Dito nya hinatid ang babae pagkagaling nila sa hospital kalahating oras na ang nakakaraan at sa loob ng kalahating oras na iyon ang buong isipan nya ay nasa hospital lang, na kay Angela.

Hindi sya mapakali, pakiramdam nya dapat wala sya dito. Dapat nasa tabi lang sya ni Angela.

"Dylan, nakikinig kaba?"

"Ha?"

"May problema ba Dylan, kanina ko pa napapansin na balisa ka, parang di ka nakikinig sa mga sinasabi ko." Humawak pa si Brena sa kanang braso nya.

"No sorry, may iniisip lang ako."

"Ganon ba. Kung may problema, andito lang ako you can tell me. Kilala mo naman ako hindi ako madaldal, you can always depend on me."

Napatingin sya rito.

Ngunit imbes na ang maamong mukha ni Brena ang nakikita nya, ang namumutlang mukha ni Angela ang nakikita nya.

Angela's blue eyes na nakatingin sa kanya kanina, mga matang nababasahan nya ng sakit at pangungulila.

"Dylan alam mo naman na espesyal ka sakin at alam ko rin naman na espesyal ako sayo, kaya nga mamaya pwede ba kitang ipakilalang boyfr-."

"Sorry Bren, I have to go, may aasikasuhin pa ako." Mabilis syang tumayo at hindi pansin ang pagkagulat sa mukha ni Brena.

"Bye, kita na lang tayo sa school next week."

Saka sya dali-daling lumabas ng bahay at pinaharurot ang sasakyan papuntang Zamora Hospital.

Naiwan naman si Brena na bakas ang pagkabigla sa mukha, pagkabigla na napalitan ng pagkainis.

Alam nya kung saan papunta ang binata.

At labis labis na inis ang naramdaman nya para kay Angela.


Mainit parin ang pakiramdam ni Angela habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa bayan.

Maingay sa kalsada kanya kanyang ng ginagawa ang mga tao.

Sunday kasi kaya karamihan sa mga tao namamasyal sa bayan.

Karamihan sa kanila nagkakasiyahan.

Samantalang sya napaupo sa isang bench sa Nicholas Park malapit sa simbahan.

She hate being sick.

Ayaw nya ng pakiramdam na nag-iinit ang mga mata. Nanginginig ang mga tuhod at namamanhid ang katawan.

Ayaw nya ng pakiramdam na gustong mahiga lang buong araw.

Ayaw nyang maging mahina na sa simpleng paglalakad lang hininingal sya.

Ayaw nya na sa simpleng galaw lang akala mo lumilindol dahil sa hilo.

Ayaw nya iyong pakiramdam na laging nasusuka at di makakain.

Ayaw nya sa hospital.

At lalong ayaw nyang uminom ng Gamot. That freaking bitter taste things. She hate it!

Ayaw nyang NAGKAKASAKIT! Period.

"Wala akong pera hijo."

Naputol ang pagsesentiyempo nya ng makarinig sya ng boses ng matanda.

Napalingon sya sa gilid ng simbahan.

Duon sa parteng mapuno kaya madilim, lalo na at 6:00 na ng hapon.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon