~Miracle 25

119 116 5
                                    

Paghahabol. Pagpapakatanga. Pagiging desperada. Pagiging martir. Pagsasakripisyo.  Pagmamakaawa?

Lahat ng iyon ay bunga ng pagmamahal mo sa isang tao. Pagmamahal na maaaring maging dahilan ng pagkalimot mo sa sarili mo. Sagad at wala ng natira para sayo.

Love sucks!

" Aye, tawag ka daw ni Bhelle! " Tawag sa'kin ni Trisha.

" Sabihin mo sandali lang." Sagot ko.

" Sige, dalian mo,mukhang galit e. " Dagdag niya pa.


Napatango nalang ako sa kaniya at agad niya na rin akong tinalikuran.



KASALUKUYAN akong tulalang  nakaupo sa napili kong tambayan sa bagong school na ito. Ilang  minuto na rin ako dito.

Dahil vacant naman namin sa isang subject, dito na muna ako tumambay. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon, para akong lalagnatin. Parang ang bigat ng katawan ko.


Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakatulog at hindi kumakain ng tama. Wala akong gana. Palagi rin akong nakatulala kapag wala akong ginagawa at hindi na makausap ng maayos.

Ang punot dulo ng lahat ng ito ay dahil sa isang tao.


Hindi ko pa rin maiwasang hindi maiyak kapag naaalala ko yong last encounter namin at sa mga sumunod na araw pagkatapos noon. Mga araw ng paghahabol, pagpapakatanga, pagiging martir. Lahat ng yon ay ginawa ko para bumalik lang siya sa akin pero wala pa ring nangyari.

Palagi akong pumupunta sa kanila kapag may vacant ako sa school namin. Minsan nag ka-cutting classes pa ako para puntahan siya at magmakaawang bumalik siya sa akin pero pagpapahiya lang sa sarili yong lagi kong natatanggap everytime he rejected me. Everytime na palagi niya akong pinagtatabuyan at harap-harapang nakikipaglandian sa ibang babae.

Sa bawat oras na pinapahiya ko yong sarili ko, si Dane palagi ang siyang sumasalo sa akin. Mahina niya akong inaalo at iginigiya nalang pauwi sa amin.

Mukhang kinain ko lang rin naman yong mga sinabi ko noon kay Liza.

Being desperate is also my thing.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko habang naaalala ko yong mga ginawa ko para sa kaniya.

Saan ba ako nagkulang Noah?

Wala naman akong ibang ginawa kondi ang mahalin ka pero bakit ganito ang natatanggap ko?

Napangiti na lang ako ng mapait dahil doon sa sinabi niya.

You are not enough.

Siguro nga ang mahalin siya ang maling bagay na ginawa ko.

TUMAYO  na ako sa pagkakaupo ko at agad na pinahiran ang mga luha ko. Ilang araw rin akong hindi pumasok kaya alam kung mas lalong lumalaki ang gap ng grades ko kumpara sa mga classmate ko. Kailangan kong pumasok kahit parang wala din naman akong natututunan.

Nang makapasok na ako sa room namin ay napansin ko na agad ang galit na mukha ni Bhelle habang nakapamaywang sa iba naming kaklase.

" Mga wala kayong kwenta! 'Di ba inassign ko na sa inyo ang mga dapat niyong gawin? Ba't mali-mali ang mga pinasa nyo?! " galit na sabi ni Bhelle.

My Living Miracle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon