Chapter 23

9.8K 375 109
                                    

Magmula noong araw na iyon ay hindi na ako nag-expect ng kahit ano pa mula kay Luke. As much as possible, ayaw ko munang ma-stress. Ilang beses niya akong sinubukang kausapin nang maayos ngunit umiiwas ako.

Alam ko na naman ang mangyayari, eh. Paulit-ulit na cycle na lang. Mag-aaway kami, magso-sorry siya at papatawarin ko naman. Magiging okay kami tapos paglipas na naman ng mga araw ay babalik ulit sa dati. Nakakapagod na ang ganoon kaya hahayaan ko na lamang siya. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong mararamdaman kong parang nanlilimos lamang ako ng oras sa kaniya.

Kaya kung paglalaanan niya 'ko ng panahon, edi salamat. Kung hindi naman, okay lang din. Salamat pa rin. Hindi naman siya nagkukulang sa pagbibigay ng sustento at araw-araw pa rin siyang pumupunta rito sa bahay, iyon nga lang, sa tuwing tatawagan siya ng Mommy niya ay nagkukumahog siyang umalis.

Mabilis lamang lumipas ang mga buwan. Parang kailan lamang ay naglilihi pa ako tapos ngayon ay malapit ko na masilayan ang anghel ko. Nae-excite na 'ko at kinakabahan at the same time. Gustong-gusto ko na makita at malaman kung anu-ano ang mga namana niya sa 'kin. Sana ay lumaki siyang matapang kagaya ko, huwag sanang makuha ang kaduwagan ng kaniyang magaling na ama.

Umikot ako sa harapan ng salamin at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Halatang-halata na ang baby bump ko dahil kabuwanan ko na. Simpleng itim na bestida na hanggang tuhod at flat shoes lamang ang suot ko pero pakiramdam ko'y mas lalo akong gumaganda.

Mayroon akong mahalagang kikitain ngayong araw. Actually, hindi ko ine-expect na makakatanggap ako ng text mula sa kaniya kaya naman noong sinabi niya na pupuntahan niya ako at magkikita kami ay hindi na ako nagdalawang isip na pumayag.

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi at kulang na nga lang ay mapunit iyon. Ramdam ko ang mala-lawing tingin ni Bluie sa akin pero hindi ko siya pinansin. Ni isa sa mga kaibigan ko ay walang alam kung sino ang kikitain ko. Hindi na naman nila kailangan pang malaman iyon.

Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Oh tingin-tingin mo riyan? Gandang ganda ka na naman sa 'kin no? Hindi mo matanggap na kahit mukha na akong nakalunok ng pakwan dahil sa tiyan ko, mas maganda pa rin ako sa 'yo?" I scoffed.

Umingos siya at napasimangot sa sinabi ko. "Hindi ko naman tinatanong."

"Aba't!" Napailing na lamang ako sa ugali niya.

Tamad siyang tumayo at kinuha ang hoodie niya sa cabinet. Isinuot niya iyon at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

"May pupuntahan ka rin?" taka kong tanong.

She then glanced at me and nodded. "Ihahatid kita."

"Huh?!" My forehead knotted with what she had said. "Huwag na! Kaya ko na ang sarili ko. Diyan lang naman ako sa malapit, eh."

"Utos sa akin ni Luke–"

"Tss. Bakit kailangan pa niyang iutos sa iba kung puwede naman niyang gawin?" pagputol ko sa sinasabi ni Bluie.

Kumurap-kurap siya at mukhang natakot yata sa tono ng boses ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga at tumayo na.

"Oh siya na! Ihatid mo na 'ko!"

Sa isang maliit na karinderya malapit sa amin kami magkikita. Nakatanggap na rin ako ng text mula sa kaniya na naroon na siya't naghihintay. Hinatid ako ni Bluie pero hindi ko na siya hinayaan pang pumasok. Nagdadalawang isip pa nga siyang umalis ngunit agad ko na ring itinaboy para hindi na mangulit pa.

Hawak ko ang aking tiyan nang pumasok ako sa loob ng karinderya. Sinalubong agad ako ng mainit na singaw ng paligid. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa aking noo at inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Hindi naman ako nabigo.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon