Chapter 35:Pagsuyo sa aming Prinsesa

12.9K 723 63
                                    

EYAN'S POV

Habang naglalakad kami patungong kwarto ni princess ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Sinabi ba naman ni Lola Carmen ay......

"Wag nyong gagalitin yan at baka lumipad ang mga shuriken patungo sa inyo"

Baka hindi nya rin kami pansinin at I reject nya ang mga gwapo naming Mukha.Syempre ako ang pinaka gwapi ,pangalawa lang si Clint.

"Kayo na kumakatok"

"Kayo na"

"Cris,ikaw nalang"

"James ikaw nalang kaya,tutal ikaw naman ang pinaka makapal ang mukha sa atin e"

"Hahaha"

"Kasunod ka JinJin,tawa ka pa dyan"

Nagturuan sila ng nagturun hanggang sa umabot kami ng sampung minuto. Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pinto at agad kaming napatingin doon.

Yung mata ni princess ang pula.

"Naka drugs ba si princess?" Narinig kong tanong ni James.Walang pumansin sa kanya.

Yung buhok nya medyo magulo narin,kahit Nakapuyod.

"Mangkukulam ba sya ngayon?" Tanong uli ni James.

"Oo ata" sagot naman ni JinJin."Magandang mangkukulam"

"I agree"

Nakatingin lang sya sa amin.Walang emosyon ang kanyang mukha kaya lalo akong kinakabahan. Papungay-pungay rin ang kanyang mata na animoy kagigising lang.Tabingi rin ang kanyang salamin.Parang ginahasa sya.

"Kaylangan?" Nagulat kami sa lamig ng kanyang boses.Galit na ata.Walang nagsalita sa amin.Ilang minuto pa syang nakipagtitigan sa amin bago uli sya magsalita."Wala naman pala e"sabi nya at pabagsak na isinarado ang pinto.Bahagya pa kaming napaatras sa lakas ng pagkakasara.

"Hala galit" biglang bulaslas ni James.

"Mukhang mahihirapan tayo nyan ah" sabi naman ni Mike.

"Bumaba na muna tayo" sabi ni Clint.Agad naman kaming bumaba at nagtungo sa sala.

"Ano kayang mga gusto ni princess?" Tanong ni Jack habang nakahawak sa baba nya.

"Mahilig sya sa mga BTS at BLACK PINK,mahilig din sya sa Chuckie, sprite, coke,dutch mill,yakult at mahilig din sya sa puto at paborito nya ang adobo" agad kaming napatingin kay Lola Carmen ng magsalita Ito.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon