Chapter 15

391K 14.7K 3.8K
                                    

Nasa likod kami ngayon ng isang building at cinonceal ko ang presence ko. Bigla namang tumingin sa akin si Hideo kaya kumunot ‘yung noo ko.

“What?”

“Akala ko nawala ka. I can’t feel your presence.”

See? It’s effective. Bata pa lang kami ni Rin, tinuruan na kami ni Dad para iconceal ang presence namin sa mga tao. I guess kami lang ang kayang gumawa nun...or dahil hindi nila alam kung paano?

“How did you do that?” tanong niya sa akin.

“Sorry. Para lang sa awesome people ‘yun.”

Sasagot pa sana siya pero bigla kaming nakarinig ng crashing sounds kaya lumapit kami sa direksyon na ‘yun. Then we saw a lifeless body—wait. He’s still moving!

Agad-agad tumakbo si Hideo papalapit sa kanya kaya sumunod ako kahit na nabobother ako dahil nararamdaman ko na naman ‘yung pag-open ng Black Dimension. It’s actually a blessing in disguise pero kailangan kong planuhing mabuti ang gagawin ko or else I’ll blow my covers off.

The guy has a deep wound on his chest at halos kumalat na ‘yung dugo sa buong katawan niya pero nagawa niya pang itaas ‘yung hawak niyang baril at tinutok niya sa amin at tinignan niya kami nang masama with his blood-red eyes.

“We’re not enemies.”

“Don’t—”

“We’re Senshins.”

Halos masabi kong, and I am not pero pinigilan ko ‘yung sarili ko.

Pagkasabi ni Hideo nun ay napatigil ‘yung lalaki at nagwince siya. Maski ako nasasaktan para sa kanya. It’s better to be dead than to feel the pain of that terrible wound.

“And...we’re...n-not allies...e-either.”

“Wag kang gumalaw—”

“Oh. Buhay ka pa.”

Bigla na lang bumukas ‘yung Black Dimension sa harapan namin and blood splattered everywhere. He slit the Custos agent’s throat at natalsikan kami ng dugo niya.

Biglang pumosisyon si Hideo sa harapan ko habang nakarang ‘yung left hand niya. Naging alert siya dahil sa nangyari and I acted the same way. And right after that, nagkatinginan kami nung Shinigami.

I knew it.

Tinitigan ko siya nang mabuti at hiniling ko na sana maintindihan niya ‘yung tingin ko. I can’t risk to speak with him using our minds lalo na at nasa pagitan namin si Hideo. Sobrang kinakabahan ako dahil nung huli kaming nagkita, ang sinabi ko sa kanya ay pupunta ako sa ibang bansa para sa isang mission.

And now he saw me together with a Senshin.

Sa lahat ng pwedeng makaencounter, bakit si Kid pa?

As expected, confused ang expression niya. Magsasalita na sana siya pero naunahan ako ng takot kaya inunahan ko na siya.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon