Chapter 13: Happy reading

6.7K 330 450
                                    


CHAPTER THIRTEEN

Happy reading


"RA! Ba't naman gan'yan mukha mo?" bungad sa 'kin ni Gonz pagkagising na pagkagising niya.

Paano ba naman hindi magiging ganito mukha ko? Hindi ako pinatulog ng reply ni Bellamy.

"Morning," bati ko sa kan'ya saka ko siya tinulak para umalis sa tabi ko.

Wala talaga ako sa mood ngayong araw dahil wala akong tulog.

"Suklay-suklay din, Ra."

Agad akong napahawak sa buhok ko at naramdaman kong buhol-buhol nga 'yon dahil buong magdamag akong kamot ng kamot sa ulo ko kakaisip.

Nababaliw na yata ako.

"Oo nga pala, may iniwan si Feem kagabi sa 'kin bago sila umalis."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit sa 'yo niya iniwan? Bakit 'di sa 'kin?" reklamo ko.

Nagkibitbalikat lang siya at may kinuha doon sa bag niya.

"Here." Sabay sabot niya sa 'kin no'ng hawak niya.

It's an invitation . . . from Lumi.

"Oh my God. It's Lumi!" parang batang sigaw ko at akmang tatalon pero natigilan ako nang maalala ko 'yong bilin ng doctor na 'wag kong biglain ang sarili ko.

"And that's exactly why she left it to me. She knew you'd jump out of too much joy."

Hindi ko pinansin si Gonz at excited kong binasa 'yong invitation.

"What the? Three days lang siya dito?" nakasimangot na sabi ko pagkabasa ko no'ng invitation.

"Buti nga three days lang eh," nakangising sabi ni Gonz kaya natawa ako. May gusto kasi si Lumi kay Gonz dati. At may nangyari sa kanila ni Gonz. Yes. May nangyari sa kanila kahit hindi naman naging sila. Pero pareho naman silang single no'n kaya wala naman sigurong kaso.

And yes, sobrang updated ako sa sex life ni Gonz. Kahit ayaw kong malaman, kahit ayaw kong marinig, wala akong choice dahil kinukuwento niya talaga sa 'kin na para bang hindi ako babae.

"Joke lang, one month nakalagay dito sa invitation," pagsisinungaling ko kaya napatingin talaga siya sa 'kin. Kitang-kita sa mukha niya na para bang gumuho bigla ang mundo niya.

"Patingin nga," pangungulit niya at akmang kukunin sa 'kin 'yong invitation pero tinago ko ito sa likuran ko para 'di niya makuha.

"Ah. Sure ka na talaga d'yan?" taas kilay niyang tanong.

"Sure ka na talaga na 'di mo iaaabot sa 'kin ng kusa 'yan?" ulit niya pero tumawa lang ako at mas lalo siyang inasar.

Mas lalo siyang ngumisi at saka niya ako kinulong sa bisig niya para maabot niya 'yong hawak ko sa likuran ko pero hinigpitan ko 'yong pagkakahawak ko para hindi niya ito makuha.

"My God, Gonz! 'Yong kili-kili mo nasa ilong ko!"

"So? Malunod ka pa sa sobrang bango n'yan."

"Duh! Kili-kili pa rin 'yan!"

"Duh. Mabango pa rin 'yan," panggagaya niya sa tono ko kaya inis kong kinagat 'yong braso niya para umalis siya sa pagkakayakap niya sa 'kin dahil hindi talaga siya yakap actually. Talagang ang goal niya ay makuha 'yong hawak ko sa kamay ko na nakatago sa likuran ko.

Pero kahit anong kagat ko sa kanya, walang epekto! Napakamanhid naman nito?

"Gabriel Onroe Zavardo! Lumayo ka nga kasi!"

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon