Chapter 14: The confession

6.6K 345 473
                                    


CHAPTER FOURTEEN

The confession


58 missed calls from Gonz


Ra. Talk to me, please. :(


Ra. Are you still mad at me?


Anong puwede kong gawin para 'di ka na magalit?


Raaa


Raaaaa


Pansinin mo ko hoy


Aba


Galit pa rin talaga.


Sorry na talaga, okay?


Inis kong pintay 'yong phone ko. Tatlong linggo kong hindi kinausap si Gonz. Nag-focus lang talaga ako sa midterm exams at naging abala rin talaga ako gumawa ng reviewer namin ni Bellamy. Ako na nag-offer kasi alam ko naman na 'di niya na talaga kaya gumawa ng reviewer lalo na't kulang-kulang na oras niya. Naging abala rin ako sa training. Minsan sinasamahan din ako ni Bell mag-train 'pag may free time siya.

"'Di ka uuwi?" tanong ni Dith sa 'kin habang abala siyang mag-impake ng mga gamit niya. Christmas break na kasi namin.

"Hindi pa."

Kailangan ko pa kasi i-meet everyday si Dr. Andy simula bukas dahil nakakatakbo na ako nang medyo mabilis, pero hindi pa gano'n kabilis tulad ng dati kapag hahabol ng bola.

Nagpaalam na sa 'kin si Dith at nagyakapan pa kami bago siya umalis. Mas naging close kasi talaga kami ni Dith. Nagkasundo talaga kasi kami kahit sobrang nakakairita 'yong kadaldalan niya at pagiging pakialamera niya.

Masaya din kasi siyang kasama.

Pagkaalis niya, naglinis muna ako ng buong kuwarto at tinapon ko na lahat ng mga 'di ko naman na gagamitin. Nilinis ko na rin 'yong mga gamit sa puwesto ni Dith, makabawi man lang sa lagi niyang pagluto ng pagkain para sa 'kin.

Naligo na ako pagkatapos kong maglinis at dumiretso higa na. Balak ko sana umidlip muna pero nag-ring bigla 'yong phone ko.

"Ano?" pabalang kong sagot kay Bell. Narinig ko siyang tumawa nang mahina.

"I left something outside your door."

Napangiwi ako at napasapo sa noo ko. "Galing ka dito? Paano ka na naman nakapasok?"

"Basta. Kunin mo na."

Napasimangot ako dahil 'di niya na naman sinagot 'yong tanong ko. Lagi niya na lang 'di sinasagot kapag tinatanong ko siya kung paano siya nakakapasok dito.

Padabog akong nagmartsa papunta sa pinto at nang buksan ko iyon ay may nakita akong malaking paper bag na nakalapag sa sahig.

Kinuha ko iyon at muling sinara 'yong pinto. Umupo ulit sa kama para tingnan 'yong laman ng paper bag at pagkabukas ko no'n, agad na nagsalubong ang mga kilay ko dahil jersey ni Bell 'yong laman.

"Aanhin ko 'to?" singhal ko sa kanya.

"I should see you wearing that tonight, Keen," he demanded.

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon