Chapter 16: Merry Christmas

6.3K 290 154
                                    


CHAPTER SIXTEEN

Merry Christmas


"MERRY Christmas!" we all yelled in chorus as Gonz took a picture of our family.

"Thank you, Gonz," my Mom said, getting his phone back from Gonz. "Picture-an ko kayo ni Ra," alok pa ni Mommy kaya agad na lumapit sa 'kin si Gonz saka ako inakbayan. Nakailang picture din kami ni Gonz dahil puro nakasimangot ako doon sa picture.

"Trev! Picture tayo!" sigaw ko.

"Teka kausap ko si Feem," sabi niya saka niya pinakita sa 'kin 'yong phone niya. Ka-video call niya nga si Feem.

"Merry Christmas, Ra," bati sa 'kin ni Feem at nag-flying kiss naman ako sa kanya pero inirapan niya lang ako. Sungit.

"Picture-an mo kami ni Tito," utos ko kay Gonz saka ako yumakap kay Papa niya.

Humalakhak si Tito at niyakap rin ako. He's Coach Zavardo, Gonz's father.

This is how we celebrate Christmas. We always invite Gonz and his Father to come over and celebrate with us.

"Pa, picture din tayo," baling ni Gonz kay Tito.

Pumayag naman agad si Tito kaya pinicture-an ko sila ni Gonz.

***

"PAABOT ng salad," utos sa 'kin ni Trev no'ng kumakain na kami.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nasa harap mo lang eh," sagot ko sa kanya kaya tiningnan niya ako nang masama.

Nagtawanan naman sila Dad at napailing dahil nag-aaway na naman kami ni Trev. We fight all the time, but we love each other so much. And I think that's the best part of us being twins.

"You should've invited Feem," biglang sabi ni Dad kay Trev pero ngumiti lang si Trev. "I can't do that, Dad. She's with her family. Pero bukas pupunta ako sa kanila, tapos dalhin ko siya dito."

"Grabe. Kayo pa rin?" hindi makapaniwalang tanong ng Papa ni Gonz kay Trev. He used to be their Coach when we were in high school and he's really fond of Feem dahil magkasama naman lagi ang boys and girls sa training. Kaya kahit magkaiba ang Coach ng girls at boys namin, close pa rin kami sa lahat.

"Yes, coach. Papakasalan ko pa 'yon eh," mayabang na sagot ni Trev kaya nagtawanan kami.

"Sure ka ba na papayag si Feem?" pang aasar ni Gonz sa kanya kaya sinipa ni Trev sa ilalim ng mesa si Gonz at napakapit sa braso ko si Gonz.

"Pagtanggol mo 'ko, Ra. Hindi puwede 'to," reklamo niya dahil sa lakas ng sipa ni Trev sa kan'ya.

Tumawa lang ako at napailing.

Nagkuwentuhan at nagkulitan lang kami habang kumakain. I really missed them. Lalo na si Mom and Dad. Panigurado nalungkot sila no'ng nag-college na kami ni Trev kasi silang dalawa na lang ni Dad naiwan dito sa bahay.

Kami kasi 'yong pamilyang laging magkakadikit pag nandito sa bahay. Laging nagkukwentuhan. Magkakasama palagi pag umaalis. Laging sabay-sabay pag kumakain. Palaging nanonood ng movies and series nang magkakasama. Sobrang close talaga namin sa isa't isa. Kaso no'ng nag-college na kami ni Trev, hindi na namin nagagawa 'yon kasi malayo na kami ni Trev sa kanila.

Kaya sobrang saya ko ngayong nakauwi na ako dito pagkatapos ng ilang buwan. Iba talaga 'yong feeling kapag nasa bahay ka.

Pagkatapos naming kumain, nag-exchange gift kaming lahat tapos nagpalaro rin ang Papa ni Gonz. Lahat gustong manalo kasi 5,000 'yong prize.

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon