Chapter Thirty-Nine

306K 9.2K 4K
                                    

Hindi ko maintindihan kung ano'ng dapat kong maramdaman at gawin. Gusto kong magalit sa kanya, gusto kong ibato ang lahat ng gamit na makikita ko sa kanya, gusto kong magwalk-out at iwan siya rito, gusto kong magwala... Pero nanaig pa rin ang pagmamahal at pananabik ngayong nandito na siya sa harapan ko.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit sa baywang. Hindi na napigilan ng mga luha ko ang mag-unahang kumawala mula sa mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko at tila nahihirapan akong huminga... Kung nananaginip lang ako ngayon, sana h'wag muna akong magising. Ayaw ko pang magising.

"J-Jonalyn, my wound," daing niya at marahan akong hinawakan sa braso.

Agad akong lumayo sa kanya at napatingin sa tagiliran niya. Umakyat ang pag-aalala at takot sa dibdib ko.

"S-sorry, n-nasaktan ba kita? Bumuka ba 'yong sugat mo? D-dadalhin na ba kita sa ospital?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hey, relax, I'm fine. You just hugged me too tight, it hurts a little," sabi na lang niya at hinawakan ang pisngi ko.

Napatitig ako sa kanya, tinitigan kong maigi ang bawat parte ng mukha niya. Inangat ko ang kamay ko upang hawakan ang pisngi niya. Nanatili akong nakatitig sa itim niyang mga mata na para bang doon nakasalalay ang buhay ko.

Halata sa mga mata niya na ilang araw siyang walang matinong tulog. Tinubuan na rin siya ng kaunting balbas at bigote, maputla rin ang mukha at labi niya ngunit hindi naman 'yon nakabawas sa ka-guwapuhang taglay niya.

Napasinghap siya nang walang sabing hinampas ko ang dibdib niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya saka napaawang ang labi habang nakatingin sa 'kin. Nagsalubong naman ang mga kilay ko at muling hinampas ang dibdib niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang muling manlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang umalpas. Nanginginig ang mga labi na muli ko siyang hinampas sa dibdib.

"Balak mo pang umalis at hindi na magpakita sa 'kin?! H-hahayaan mo akong maging masaya kay Vaughn?! Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Arken! Nakikita mo ba ang hitsura ko ngayon?! Ilang araw kong iniyakan ang akala kong pagkamatay mo, pati si Vander umiiyak din, wala ka na rin bang pakialam sa anak natin? P-paano kung hindi ako nagpunta rito? H-habang buhay ko ng aakalain na patay ka na!"

Muli kong sinuntok ang dibdib niya. Hindi naman niya ako pinigilan at hinayaan lang ako na gawin ang gusto ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinuntok ang dibdib niya, sa ganoong paraan ko na lang inilalabas ang lahat ng inis ko sa kanya.

Natigilan lang ako nang hawakan ni Arken ang kamay ko habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.

"That's what you want, right? I know you don't want me dead, but you want me out of your life. You should be happy," sabi niya sa mahinang boses saka binitiwan ang kamay ko.

Inangat niya ang kamay niya upang pahirin ang mga luha sa pisngi ko. Napabuntong hininga siya habang nakatitig sa mga 'yon na para bang nasasaktan siya kapag nakikita ang mga luha ko.

Natigilan siya nang hawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Lumapit pa ako lalo sa kanya at yumakap sa batok niya. Tila natulos siya sa kinatatayuan niya dahil sa ginawa ko. Napapikit na lang ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya saka pinakinggan ang tibok ng puso niya.

"Mahal kita, Arken," mahinang bulong ko.

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya, sinabi ko na lang kaagad ang pakiramdam ko ay dapat kong sabihin. Ngayong buhay na buhay siya at nasa tabi ko, pakiramdam ko hindi ko na dapat palagpasin pa at sabihin ang totoong nararamdaman ko.

Humawak si Arken sa magkabilang balikat ko at bahagyang inilayo ako sa kanya upang titigan ako sa mga mata.

Mabigat ang paghinga niya habang nakatitig sa 'kin, hindi ko mabasa ang emosyon niya. Tila ba hindi siya makapaniwala, tila ba hindi niya alam ang dapat na sabihin.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon