Chapter 24: Something new

532K 14.5K 2.2K
                                    

Tamara’s POV

Napailing ako sa naisip ko. Kakaibiganin ko sila? Nakakatakot. Nakakatakot na. Ayoko na ulit maranasan ‘yung nangyari dati. Ayoko ng masaktan kasi nawalan ako ng kaibigan. Ayoko ng umiyak. Ayoko ng makaramdam ng pagkamiss. Ayoko ng i-let down ng mga tao na handa kong ipaglaban. Nakakapagod na ‘yun. Nakakapagod na nakakatakot.

“We’re not pushing you or anything. We just want to let you know that you’re not alone, Tamara. We’re here for you.”

“Ginagawa niyo ba ‘to dahil naaawa kayo sa akin?”

Napakunot ang noo ni Hailey dahil sa naging tanong ko. “Hindi. Bakit naman kami maaawa sa’yo?”

“Kasi mahirap lang ako. Kasi umaasa ako sa ibang tao para lang makapag-aral.”

“Hindi ka nakakaawa, Tamara. Nakakabilib ka. Kasi gusto mo talagang makapag-aral.”

“Kung hindi kayo naaawa sa akin, bakit niyo ako gustong maging kaibigan? Wala namang akong ginawang mabuti sa inyo.”

Napabuntong hininga si Piper, “There are some questions that don’t require answers. We just felt like we want you to be our friend. No whys, no buts, no whatever. No explanation. It’s just like that. “

Napangiti ako habang umiiling sa narinig ko at saka umupo sa sahig. Ginaya naman nilang dalawa ang ginawa ko. Nakatahimik lang kaming tatlo nang basagin ko ang katahimikan. Nakakapagod na rin sarilinin ‘tong dinaramdam ko.

“Maayos ang buhay ko dati. Hindi kami mayaman pero hindi kami namromroblema sa pera. Si Tatay, nagtratrabaho. Si Nanay naman inaalagaan lang kaming tatlo ng mga kapatid ko. May mga kaibigan ako. Kahit ganito ako, ‘yung tahimik, seryoso, prangka, may mga kaibigan pa rin ako. Hanggang isang araw nalaman na lang namin na tinanggal na sa trabaho si Tatay. ‘Yung mga naipon naman nilang pera kapos sa amin.”

Napangiti ako ng mapait nang maalala ang mga nangyaring ‘yun. I shook my head at nagpatuloy sa pagkwento.

“First year highschool ako ng mangyari ‘yun. Pumapasok ako sa school ng walang kapera-pera. Kinapalan ko ang mukha ko. Sinubukan kong manghiram sa mga kaibigan ko kaya lang wala raw silang ipapahiram sa akin. Tiniis ko ‘yun. Ilang araw akong ganoon hanggang sa nagblackout na lang ako bigla. Ever since then pinapagdala na ako ng baon ni Nanay. Kung ano ang kayang ipabaon na pagkain, pwede na. Sa sobrang hirap, tumakas ako kila Nanay noon. Nagtrabaho ako sa sari-sari store sa palengke kapag weekends at kapag tapos ng klase. Dahil doon nangaunti ang oras ko. Instead na sa bahay ko ginagawa ang assignments ko, sa school ko na ‘yun ginagawa. Kaya hindi ko na natuturuan o napapakopya ang mga kaibigan ko. Kasi maski ako naghahabol lang para makatapos sa requirements. Hanggang isang araw..”

Napahinto at napatikom ako. May nagbabadya nang tumulo na luha pero pinigilan ko. Lumunok ako at nagpatuloy sa pagkwento, “Hanggang isang araw napansin ko na napapalayo na ako sa mga kaibigan. Noong una sinisi ko ang sarili ko kasi ako ang nawalan ng oras sa kanila. Ako ang hindi na nakakatulong sa requirements nila. Hindi ko na sila napapakopya. Hindi ko na rin sila napapautang. Lumapit ako sa kanila para humingi ng sorry. Sabi nila okay lang. Kaya ang akala ko okay lang talaga. Kaya lang hindi pala.”

Hindi ko na napigilan at napaluha na ako. Hinawakan ako sa kamay ni Piper at hinimas naman ako sa likod ni Hailey. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkwento ko.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon