Chapter 22: Happy birthday

6.4K 249 292
                                    


Warning: R-18 | SPG | Mature content

Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only.

__

CHAPTER TWENTY-TWO

Happy birthday


LET'S break up, Bell.


I was just staring at my message to Bell for almost an hour now.

Hindi ko alam kung nag-reply na ba siya dahil naka-on 'yong airplane mode ng phone ko.

"Are you alright?" nagtatakang tanong sa 'kin ni Trev dahil kanina pa ako tahimik.

Pinakiusapan ko si Gonz na 'wag sabihin sa kanila 'yong nakita namin kaya hindi alam nila Feem at Trev kung bakit nagkakaganito ako ngayon.

Kinuha ko ang jacket ko at sumandal sa balikat ni Gonz na parang bata.

Hinihintay ko na sabihin niyang kasalanan ko 'to dahil hindi ako nakinig sa kanya. Hinihintay kong sabihin niya na pinagsabihan niya ako ng ilang beses pero hindi pa rin ako nakinig sa kanya.

Hinihintay kong sisihin niya ako.

Pero wala siyang sinabi at nanatili lang na tahimik sa tabi ko.

He just let me rest on his shoulder without saying anything.

***

PAGKADATING namin sa Thailand, dumiretso kami sa Krabi town, sa bahay no'ng Tita ni Gonz.

No'ng pumasok kami sa loob ng bahay ay binati namin agad ang Tita ni Gonz at nakipagkuwentuhan sa kanya ng kaunti bago niya kami iniwan sa bahay. Magbabakasyon muna raw kasi siya sa bahay ng anak niya para masolo namin ang bahay niya dito.

"Ang bait ng Tita mo pala. Siya na nag-adjust," natatawang sabi ni Trev kaya nagtawanan sila.

Hindi ako umimik at dumiretso na lang sa kuwarto sa taas. Dalawang kuwarto lang ang mayroon dito kaya pumasok na ako doon sa unang kuwarto sa kanan saka ko nilapag doon ang mga gamit ko.

Humiga ako sa kama ko at muli akong naiyak nang maalala ko ang nakita ko.

Akala ko nagbago na siya. Bakit nga ba naniwala ako na magbabago ang isang tulad niya?

Gustuhin ko mang alisin sa isip ko 'yong nakita ko, hindi ko magawa.

"Ra. . ."

Marahan akong napalingon kay Gonz na nakatayo sa pintuan habang nakatitig sa 'kin.

Mas lalo tuloy akong naiyak at parang bata na lumapit sa kanya para yakapin siya.

"'Di kasi ako nakinig sa 'yo!" umiiyak na sabi ko kaya mahina siyang natawa.

Inis ko siyang hinampas. "Ano'ng nakakatawa?!"

Mas lalo siyang natawa at niyakap ako nang mahigpit.

"Para kang bata," pang-aasar niya kaya napasimangot ako habang pinupunasan ang luha ko.

"Did you really have to break up with him?" biglang seryoso niyang sabi.

"You didn't even bother to ask him. Baka misunderstanding lang pala lahat," dagdag niya pa saka siya umupo doon sa kama.

"Kanina ko pa 'yon iniisip. Medyo nainis nga ako sa sarili ko kasi nadala rin agad ako ng galit no'ng nakita ko 'yong babae. Kaya lang naisip ko, baka mali lang tayo nang pagkakaintindi," paliwanag niya.

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon