Chapter 42:Save

10.6K 608 52
                                    

JAMES POV

Dahil sa bilis magpatakbo ni Clint ng van ay agad kaming nakapunta sa teritoryo ni Depar.Agad kaming nagbabaan ng van.Tumawag na rin kami ng resbak mula sa iba naming kasama sa gang.

Naghihintay muna kami ng ilang minuto bago kami sumugod ng tahimik.

Hindi namin kakayanin ang dami ng mga tauhan ni Depar  dahil bente lamang kaming sumugod dito...

Maya Maya lang ay dumating na ang mga resback.Ang gang namin na pinamumunuan ni Clint.

Kikilos na sana kami ng may marinig kaming isang sigaw mula sa ikalawang palapag.

"CLINTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT!"

"Princess!" Sabay sabay naming sabi habang si Clint naman ay iba ang sinabi.

"Abigail" sabi nya."Wait me there,I'm coming "sabi nya at nagpaunang sumugod. Tahimik naman na sumugod ang iba naming kasama habang nakasunod naman kaming SE kay Clint.

Pupunta kami ngayon sa second floor dahil nandon si princess.

Humanda ka saming manyak ka!

Nang nasa ikalawang palapag na kami ay agad sinipa ni Clint ang unang pinto at lahat kami ay nagulat dahil hinahalikan ni Depar ang leeg ni princess habang umiiyak ito.Sira na rin ang uniform nya.At nakakadena sya na parang hayop.Nilingon ko si Clint at ang SE,lahat sila ay masasabi kong galit dahil nga nakakunot ang noo nila at mga nakakuyom ang mga kamay.

So,ako nalang pala ang hindi galit.

Agad na napatingin samin si Depar at halatang gulat.

Patay kang bata ka.

---*
HIREIN'S POV

Clint.

Sa pagbanggit ko ng pangalan nya sa aking isipan ay malakas na bumukas ang pinto na animoy sinipa.Hindi ko maaninag ang mga mukha nila pero alam kong galit sila.

Nilingon nung manyak sila Clint at halatang takot na takot sya.Agad na lumapit sa kanya si Clint at pinagsusuntok suntok hanggang sa mahiga na sya sa sahig.

Basag basag na ang mukha nung lalaki at dugo dugo na rin ang mukha nya.Nakangisi lang sya habang nakatingin kay Clint. Hindi na pinigilan ng SE si Clint dahil ewan ko.

Lumapit sa akin yung apat pero hindi nila masira ang kadena na nakakabit sakin.

"Clint,we need a key she's in shackles" sabi ni James pero hindi sya pinansin ni Clint na busy sa pagbugbog dun sa manyak.

Kahalayan kasi.

"Clint, tama na yan"

"Dude,stop it"

"Hoy,baka mapatay mo yan"

"Tama na Clint"

Maraming nagsasabi na Tumigil na si Clint pero parang wala syang naririnig.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon