Kabanata 23

642 42 10
                                    


"The Closet?"


Pagkasara sa kaniyang wrangler, pinasunod niya kami. "Yep. One of my favorite tambayan here in the Philippines."


"Baka kung saan-saan mo na naman kami dinala, ah!" angil ni Yaz.


"Oo nga, bebs. What if puro syndicates here? So creepy tingnan outside, oh!" gatong ni Cris.


Tatlong araw na ang lumipas magmula nang mapadpad kami sa Hacienda Fermoselle. Masyado yatang nawili si Storm sa pamamasyal sa'min, heto't gabing-gabi ay nasa harapan kami ng malaking gusali na puro neon lights.


"It's a usual hangout place, chill. I know you'll love it." Dire-diretso si Storm sa entrada kaya nakatanggap kami ng mapanghusgang titig sa mga nakapila rito sa labas.


"I.D?" Hinarang kami ng dalawang malalaking bulas na lalaki. Their eyes roamed on the three of us wearily. 


Napalunok ako't nagtago sa likuran ni Storm. Halos pumutok na 'yung fitted shirt nila dahil sa muscles. Kalbo-kinis-kintab pa 'yung ulo nila. Pero teka, ano raw? I.D?


"They're my friends." Storm was about to walk, they blocked her. Nagpaparinig na nga 'yung iba sa likod namin, na kesyo singit daw kami. Tao kaya kami, charot.


"Bawal ang underage rito, Ms. Del Valle." 


Nagkatinginan kaming tatlo. Nasa tamang edad na kami, 'no!


"They're already adults, mukha lang mga bata." Natawa si Storm kahit napakaseryoso nitong mga kausap niya. She fished her phone out and allowed them to read whatever's on the screen. 


Parang pareho pa silang natigilan matapos basahin ito. Alas, pinapasok nila kami nang walang sabi-sabi. Sinamahan pa kami nung isa hanggang sa loob.


Dumagundong ang malakas na tugtog sa bawat sulok ng madilim na daan. Naningkit ako upang maaninag ang aapakan namin. Hindi man lang nila nilagyan ng ilaw rito, jusko.


"Please tell me, mali ako ng iniisip!" sigaw ni Yaz sa kabila ng nakabibinging kanta.


"Mali ka ng iniisip!" hiyaw ni Cris. Pinalo siya ng bestfriend ko. "Ouch! Sabi mo, eh!"


"Hoy, babae!" tawag niya kay Storm na nauuna sa'min. May kakaunting liwanag nang nagmumula sa bukod tanging pinto rito kaya namataan ko ang pagkasabik sa kaniya.


"I have a name, Yazlyn. What is it?"


Ayokong pangunahan ng hinala itong kinaroroonan namin pero sa itsura niya, baka tama nga ako! 


"Papatayin ako ni tita, siraulo ka!" 


"Then let's get wasted before death do us part." Kasabay ng sagot niya'y binuksan ng bouncer ang pinto. 

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon