Chapter 10

383 87 49
                                    

Hindi ko maipinta ang sarili ko ngayong umaga parang ginanahan ako dahil walang pasok and this day is Saturday! I hope so na makita ko ulit si Callix although may kailangan akong mga requirements at gagawa ako ngayon ng plate.

Malapit nang mag sembreak kaya makakapagpahinga na rin tatapusin ko lang 'yong mga kailangan kong gawin para no hassle.

Pumunta lang ako sa bathroom para mag shower and after noon ay napakunot ang noo ko. My phone is ringing. Bakit siya tumatawag ng ganitong oras? Sinagot ko 'yon kahit naka towel lang ako dahil kakaligo ko lang. "Hey good morning, may mga gagawin ka ba ngayon?"

"Yes I have to finish my plate. Ikaw ba may gagawin ka?" tanong ko naman sa kanya.

"Ah, yes, I have to review. We have a long quiz on Monday" bored na sabi niya. May naisip ako na idea... pwede kaya sa condo niya? Sabay na kaming mag-aral? Tutal hindi pa ako nakakapunta doon ang unfair naman.

"Pwede sabay na tayong mag-aral promise hindi kita guguluhin? please, please..." I made my voice soft. "Yeah, sure, whatever you want i'll be there for 20 minutes baka ma-traffic kasi ako" After that I ended the call kasi sa sobrang saya ko. Finally makakapunta na din ako sa unit niya.

I just wore my white oversized shirt and short dinala ko na rin 'yong mga kailangan. Mag i-sketch lang ako ngayon hassle pag dun ako nag render. Hindi ko alam kung ginawa ko lang ba 'to na palusot sa sarili ko para hindi ko magawa 'yung mga kailangan kong gawin.

I heard a knock so dali-dali kong binuksan ang pinto. He just let out a small smile tapos kinuha niya 'yung mga dala ko. Napaka gentle naman pala nito... Kahit hindi ko man aminin halatang halata sa kanya ang natural na pagka gwapo. 

Lahat ata ng sinusuot niya ay bagay sa kanya. "Salamat..." sabi ko at umalis na kami.

After that we just arrived at his condo. Malawak rin 'yon mas malawak pa ata kaysa sa'kin. I asked him out of curiosity "Anong trabaho ng parents mo?"

 "My dad is a doctor" tipid niyang sagot.

"Mommy mo?" tanong ko agad. 

"She died last year, Ashley..." umiwas siya ng tingin at mukhang ayaw sa'kin makipag usap.

Hala! Baka na offend ko siya "Sorry" I apologized. Ano ba 'yan, hindi kasi ako nag iingat sa mga lumalabas sa bibig ko.

"No it's okay sanay na ako, she died because she have heart attack nasa hospital noon si dad and sinugod namin siya... that night  hindi na kinaya dead on arrival so kaya 'yon" I felt pain in his voice.

Iniba niya ang usapan "Nag breakfast ka na?" gagi, hindi pa nga pala sa sobrang ka exited ko nakalimutan ko nang kumain. "H-hindi pa" I swallowed hard. Nakakahiya, amp.

 "Mag o-order na lang ako. What do you want?" he chuckled.

Nakakahiya wag na maghahanap na lang akong pwedeng lutuin dito sa condo niya "Ako na lang magluluto if you want?" I volunteered.

"Sure pwede naman" sagot niya. kumuha na ako sa fridge niya ng pwedeng mga lutuin at nakakita ako ng pork and vegetables so sinigang na lang tutal 'yon ang favorite ko.

Habang pinapalambot ko 'yung karne nagsimula na siyang ilabas 'yung libro niya at nag highlight siya ng kung anu-ano. Tiningnan ko kung anong inaaral niya... may calculus pa sumasakit ulo ko dyan e'! Puro Mathematics halos, calculations, dahil engineering ang gusto niya. Ako naman more on designing. 

Kaya hindi ko pinili ang engineering dahil parang sobrang napaka complicated ng mga bagay-bagay. Noon pa man talaga architecture na ang gusto ko. Buti naman tama ang kinuha kong course ngayong college dahil dito ako nag eenjoy.

Pathway to Success (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now