Chapter 13

6.5K 263 76
                                    

Chapter 13

"Where are you?" Papunta na ako sa parking dahil sabi niya ay nandito na siya.

It was Friday night and earlier he said he wanted to have dinner with me. Kaya dumiretso na siya rito sa school. I saw his car and immediately went straight to the passenger side. Pagpasok ko ay pinanood niya ako, kinunotan ko naman siya ng noo.

"Why are you staring?"

Napailing siya at pinaandar na ang sasakyan. Halos isang buwan na ang nakalipas simula noong ipinaalam namin sa parents ko ang tungkol sa amin. But nothing changed, Papa was still cold and distant.

"You're always edgy. Have I done something wrong?" he asked.

Sumeryoso lalo ang mukha niya. Naalala ko noong tinawagan niya ako kaninang tanghali. Nasungitan ko siya habang nagla-lunch ako kasama ang mga kaibigan ko.

"Wala," sagot ko na nakaramdam ng konsensya. Lumabas na kami ng school at diretso na ang pagmamaneho niya. "Sorry, 'di ko rin maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw," pag-amin ko.

Idagdag pa na para lang akong hangin sa bahay kung hindi pa ako kakausapin ni Mama.

"It's okay." Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin. "You hungry?"

"Yes," tipid kong sagot.

Pumasok kami sa isang restaurant na nakapulupot ang bisig niya sa bewang ko. I was aware of how girls checked him out. Lalo na iyong isang grupo malapit sa entrance.

Hindi ko na siya hinintay na ipag-isod ako ng upuan. His attractive dark eyes gazed into mine, seemingly confused about my actions.

Lumapit ang waiter at um-order kami. Habang kumakain ay hindi ko siya inimik kaya mabilis akong natapos at pumunta sa washroom. I placed my hands under the hand dryer, until I felt his presence behind me.

"Are you mad at me?"

Umangat ang mukha ko at nagtama ang mga mata namin sa salamin. Naawa ako dahil sa lungkot sa mga mata niya. I turned around to face him.

"Sorry..." Inilahad ko ang mga braso ko at lumapit siya sa akin. He wrapped me in his arms and I suddenly felt like crying.

"What's happening?"

Umiling ako. "Can we just go home? I feel so tired, Rogue."

Hinaplos niya ang buhok ko at marahan akong hinalikan dito. "Okay, babe. Let me take you home now."

Habang nasa sasakyan ay pakiramdam ko hapung-hapo ako.

Sabay kaming bumaba pagtigil niya ng sasakyan. Hinayaan ko siya na sundan ako. Nasa Laguna ang mga magulang ko at mag-isa lang ako rito ngayon.

Agad akong dumiretso sa kwarto. Sumandal siya sa pinto at pinanood ako na umupo sa kama.

"Should I sleep here?" he asked.

I looked at him. Sa linggo pa ang dating ng mga magulang ko kaya walang kaso kung dito ko siya patutulugin.

"Bahala ka." Tumayo rin agad ako at kumuha ng damit bago pumasok sa banyo.

I took a quick shower. Nakaupo siya sa kama at basa rin ang buhok. Mukhang sa baba siya naligo. Lagi siyang may extra clothes sa kotse kaya hindi na nakakapagtaka na may naipalit siya sa uniform niya.

Humiga ako sa kama at tinalikuran siya. He laid down beside me and hugged me from behind. I comfortably closed my eyes, feeling his warmth.

"I'll dry your hair," he whispered in my ear. "Then you can sleep after."

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon